• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eleazar sa mga kandidato, supporters: ‘Fake news iwaksi’

NANAWAGAN si senatorial aspirant Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa lahat ng kapwa kandidato at kanilang mga supporter na tumulong sa pagtataas ng lebel ng political maturity ng mga Pilipino sa pamamagitan ng ‘di pagkakalat ng fake news laban sa mga katunggali.

 

 

Ayon kay Eleazar, “toxic” o umabot na sa sukdulan ang batuhan ng putik at polarization ng politika sa bansa kaya tila maraming botante ang ‘di na nag-uusap tungkol sa mga plataporma at qualification ng mga kandidato.

 

 

“Sa halip qualification ng kandidato at kung anong plataporma ang higit na makakatulong sa kanila ang pag-usapan, ginawang parang Marites level na ang usaping pulitika dahil mas naging interesado na sa paninira na fake news at inimbentong impormasyon naman ang pinagmulan,” ani Eleazar.

 

 

“Tandaan ninyo na hindi naman kayo personal na kakilala ng mga kandidato at ang tanging garantiya na matutulungan kayo sa susunod na tatlo at anim na taon ay ang tamang pagboto—pagboto sa kuwalipikado at pagboto sa may magandang plataporma na makikinabang ang lahat,” aniya pa.

 

 

Tiniyak ni Eleazar, na minsa’y naging commander ng PNP Anti-Cybercrime Group, na itutuloy niya ang paglaban sa mga nagpapakalat ng fake news at disinformation sa social media kapag nahalal sa Senado. (Gene Adsuara)

Other News
  • Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas

    Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine.     Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School.     “We did a […]

  • Mas maunlad na ekonomiya, asahan sa Alert Level 1

    NANINIWALA  si Taguig Mayor Lino Cayetano na sa paglalagay sa Alert Level 1 sa Metro Manila ay hindi lamang new normal ang dapat asahan, kundi ang mas mainam na kinabukasan para sa ekonomiya.     Maibabalik aniya, ang buhay ng ekonomiya, kahit hindi naman agad-agad basta magtiwala lamang ang mga kababayan, Dapat aniya, na maging […]

  • Mga tatanggi sa COVID-19 vaccine bakunahan habang natutulog

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.   Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus.   “Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw […]