ENDORSEMENT NG RELIGIOUS GROUP, HINDI IKINABAHALA NI ISKO
- Published on February 15, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI nababahala si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga endorsement ng mga Catholic charismatic group sa kanyang mga katunggali sa pangkapangulo para sa May 9,2022 elections.
Kamakailan lamang ay inendorso ng El Shaddai ang nangunguna sa survey na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pero, aminado si Moreno na kailangan nito ng tulong mula sa religious organizations para sa kampanya ngunit aniya prayoridad pa rin niya ang endorsement ng ordinaryong Filipino o botante.
Ang pinakamahalagang endorsement na gusto kong makuha ay si ordinaryong Juan Dela Cruz, si Petra, si Maria, ‘yong mga tao sa kalsada, ‘yong mga tao sa bahay, ‘yong mga taong tunay na sasali upang iluklok ang kanilang pangulo,” pahayag ni Moreno sa mga mamahayag sa kanyang motorcade sa Pasay City kahapon.
Nang hingan ito ng reaksyon sa endorsement, sinabi ng Aksyon Demokratiko presidential candidate na umaasa pa rin siya sa “silent majority” ng mga Pilipino na kamakailan ay sinabi niyang sumusuporta sa kanyang bid.
“I’m not bothered. Basta ang importante, nandiyan ang taumbayan, nandiyan ang ‘silent majority’ nararamdaman namin sila, masaya na po kami. I hope mabasa pa sila ng ulan, dumami pa tayo,” sabi ni Moreno
Kasama ang kanyang running mate na si Dr Willie Ong, sa pag-iikot sa Pasay City. GENE ADSUARA
-
NegoSeminar inilunsad sa Navotas
SA kabila ng COVID-19 pandemic, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay patuloy na nagsagawa ng seminar sa mga interesadong residente na nais na magtayo ng maliit na negosyo sa lungsod. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang NegoSeminar ay inilunsad higit isang buwan na nakalipas na naglalayong turuan ang mga interesadong residente na apektado ng […]
-
Pagtataas ng PUV passenger capacity pinag-aaralan
Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang gagawing malaking pagtataas ng porsiento para sa passenger capacity ng public utility vehicles (PUVs) dahil na rin sa pagkakaron ng maluwag na quarantine protocols na ngayon ay pinaiiral sa Metro Manila. Sa kasalukuyan, ang passenger capacity ng mga PUVs ay may 50 na porsiento pa […]
-
State of calamity, idineklara ni Abalos sa apat pang lalawigan dahil kay Carina, Habagat
SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na idineklara ang State of Calamity sa apat pang lalawigan kasunod ng pananalasa ng southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Carina. Sa isinagawang ‘situation briefing on Carina’ kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Abalos na maliban sa mga lungsod […]