• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ENVIRONMENT GROUP NAGPROTESTA KONTRA SA DOLOMITE DUMPING

IGINIIT ng ilang environmental group  ang pagpapatigil sa pagtatambak ng dolomite sa may 500 metro ng Baywalk sa Manila Bay.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng kilos protesta ang ilang kinatawan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance.

Bitbit ang mga placards na nagsasasaad “Rehabilitasyon sa Manila Bay,hindi white sand” , ” Itigil ang reklamasyon”.

Ayon sa grupo ang gusto nila ay iyon totoong rehabilitasyon ng Manila Bay na maaring pagkunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at pagkain sa mga tao.

Nais umano nilang malinis at maibalik sa dating anyo ang Manila Bay at hindi para tambakan ng dolomite white sand.

Nakasakay ng mga bisekleta at nag jo-jogging ang grupo na nanawagan para itigil ang paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Peoples Empowerment Act, inaprubahan sa huling pagbasa

    Inaprubahan sa huling pagbasa ang mga mahahalagang panukala kabilang na ang  House Bill 7950 o ang “People’s Empowerment Act.”    Sa botong 217-0, at anim na abstensyon, layon ng panukala na itatag ang sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) sa pamamagitan ng pagtatatag ng People’s […]

  • Pinay futsal team bigo kontra sa Vietnam 6-1

    MULING nakalasap ng pagkatalo ang Philippine women’s national futsal team laban sa Vietnam sa score na 6-1 sa ASEAN Women’s Championship na ginaganap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.     Ito na ang pangalawang magkasunod na pagkatalo ng The Pinay na una ay sa Thailand.     Sa unang laro ng Pinay 5 […]

  • Ramdam na hinaplos ang puso niya: ARNOLD, inamin na makasalanan pero ‘di pinabayaan ng Diyos

    NAPALUHA kami sampu ng mga kasamahan naming mga Greeters and Collectors ministry ng Sto. Niño de Tondo nang napanood namin ang newscaster na si Arnold Clavio sa programang ‘Kapuso mo, Jessica Soho’ ng GMA channel 7.         Deretsahang inamin ni Arnold on national television na isa siyang makasalanan at sa kabila nang […]