ENVIRONMENT GROUP NAGPROTESTA KONTRA SA DOLOMITE DUMPING
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng ilang environmental group ang pagpapatigil sa pagtatambak ng dolomite sa may 500 metro ng Baywalk sa Manila Bay.
Dakong alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng kilos protesta ang ilang kinatawan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance.
Bitbit ang mga placards na nagsasasaad “Rehabilitasyon sa Manila Bay,hindi white sand” , ” Itigil ang reklamasyon”.
Ayon sa grupo ang gusto nila ay iyon totoong rehabilitasyon ng Manila Bay na maaring pagkunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at pagkain sa mga tao.
Nais umano nilang malinis at maibalik sa dating anyo ang Manila Bay at hindi para tambakan ng dolomite white sand.
Nakasakay ng mga bisekleta at nag jo-jogging ang grupo na nanawagan para itigil ang paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay. (GENE ADSUARA)
-
Digital COVID-19 vaccine IDs sa NCR handa na Setyembre 1 – Abalos
Handa na pagsapit ng unang araw ng Setyembre ngayong taon ang digital COVID-19 vaccine certificates o IDs para sa National Capital Region, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos. Kinukolekta na kasi aniya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang lahat ng datos hinggil sa COVID-19 vaccination sa […]
-
Gilas Pilipinas practice para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers
DINALUHAN ng ilang mga manlalaro ng PBA ang unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 4th window ng FIBA World Cup 2023 Asian Qualifier. Isinagawa ang ensayo sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue sa Lungsod ng Pasig kung saan dumalo si Gilas coach Chot Reyes kasama sina Barangay Ginebra San […]
-
Pulis patay sa pamamaril sa Makati
PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salaring sakay ng motorsiklo sa Makati City, kahapon ng umaga, Marso 9 Lunes. Kinilala ni Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, ang biktima bilang si Maj. Jeffrey Dalson, na nakatalaga sa Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police. Nakasakay si […]