• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Epekto ng pagtigil ng PRC sa swab testing ng mga OFWs, nakababahala – Bello

IKINABABAHALA ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang ginagawang swab test lalo sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa hindi pa nababayarang utang PhilHealth na umaabot sa P930 million.

 

Sinabi ni Sec. Bello, umaabot na sa mahigit 4,000 OFWs na dumating sa bansa kamakailan ang stranded sa mga hotels dahil hindi pa naisailalim sa swab o RT-PCR test.

 

Ayon kay Sec. Bello, kung dati ay nakaka-test sila ng mula 1,000 hanggang 3,000 OFWs kada araw sa pamamagitan ng Red Cross, ngayon ay umaabot na lamang sa 300.

 

Inihayag pa ni Sec. Bello na kapag mas matagal ang pananatili ng mga OFWs sa Metro Manila, mas malaking pondo ang nagagastos ng gobyerno at matinding perwisyo rin ito sa mga OFWs na gusto ng makasama ang kanilang mahal sa buhay sa mga lalawigan.

 

Umaasa si Sec. Bello na sana ay maayos agad ang gusot ng PhilHealth at Red Cross lalo mahigit 100,000 OFWs pa ang inaasahang uuwi ngayong taon.

 

Ikinababahala umano nila na maipon na naman ang mga OFWs sa Metro Manila at maantala rin ang pag-uwi ng iba pang stranded OFWs sa ibang bansa kung hindi maayos ang utang ng PhilHealth sa Red Cross.

Other News
  • DEPED: FACE-TO-FACE CLASSES, ‘DI PA RIN POSIBLE KAHIT SA MGA LUGAR NA WALANG COVID-19 TRANSMISSION

    Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na wala pa ring mangyayaring face-to-face classes kahit sa mga lugar na walang naitatalang transmission ng coronavirus.   Tugon ito ng opisyal sa apela ni Vice President Leni Robredo na ikonsidera ang pagsasagawa ng in-person classes sa mga lugar na walang community transmission ng virus dahil sa mga hamon […]

  • Proud na proud sa pagiging lola… JAYA, karga-karga ang unang apo na si GRAYSON

    LAST year lang ni-launch via Sparkle Teens sina James Graham at Charlie Fleming.     Dream nila noon na makasama sa isang malaking teleserye. Natupad ang wish nila dahil kasama sila sa big cast ng Widows’ War.     Pareho nasa teleserye na Royal Blood sina James at Charlie kaya nag-crossover ang characters nila sa […]

  • PRC, aminadong hindi madali ang pagsasagawa ng licensure examination sa gitna ng pandemya

    TINATAYANG umabot na sa 62 mula sa 101 scheduled licensure examinations ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) noong 2021 kumpara noong 2020 na nasa 11 mula sa 85 examinations lamang.     Sa Laging Handa briefing, inamin ni PRC Chairperson Teofilo Pilando, Jr., na hindi naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations sa nakalipas […]