Erik Spoelstra, pinili ng mga NBA general managers bilang ‘best head coach’
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAPILI bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager.
Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season.
Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion na si Steve Kerr ng Golden State Warriors.
Sinundan naman ito nina Gregg Popovich ng San Antonio Spurs at Monty Williams ng Phoenix Suns.
Pumang-lima naman sa puwesto sa survey si Los Angeles Clippers coah Tyronne Lue.
Bagama’t sa tatlong taong sunod-sunod na napili bilang head coach si Spoelstra, hindi pa ito nagagawaran bilang NBA’s Coach of the Year.
Ito ay sa kabila na nabigyan na niya ng kampeonato ang team ng dalawang beses at nitong lamang nakaraang season ay muntik na silang umabot sa NBA Finals.
Narito pa ang coaching-based results GM survey:
Best Motivator of People: Kerr
Best In-Game Adjustments: Lue
Best Offense: Kerr
Best Defense: Spoelstra
New Coach Who Will Make Biggest Impact: Darvin Ham (Los Angeles Lakers)
Best Assistant Coach: tie between Kenny Atkinson (Golden State Warriors) and Charles Lee (Milwaukee Bucks)
Active Player Who Will Become Best Coach: Chris Paul (Phoenix Suns)
-
Ads October 12, 2021
-
JANE, pinangarap talaga na makapasok sa teleserye ni COCO kaya okay lang kahit maging kontrabida
KALABAN ba o kaaway ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang karakter na ginagampanan ni Jane de Leon? Dream come true para kay Jane na makabilang sa long-running series na FPJ’s Ang Probinsiyano at napapanood sa Kapamilya Network. She is playing the role of Captain Lia Mante, na isang sniper sa serye. […]
-
Kahit na todo-bigay sa love scenes: AJ, gusto ring makilala na magaling na artista at goal nila ‘yun ni SEAN
KAHIT na super daring at todo bigay pa rin sa mga love scenes nila ni Sean de Guzman sa Hugas ang bagong movie ng Vivamax, kumpara sa mga past movies nila, ang action element sa Hugas ang nakikitang kaibahan ni AJ Raval. Sey ni AJ, “Unang-una po, ang kaibahan po sa mga ginawa […]