• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Espiritu 4 Fil-Am sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021

ISA sa mga inaasahang patok sa nakatakdang Virtual 36th Philippine Basketball Association Rookie Draft 2021 sa Marso 14 ay si Troy Rike at ang tatlo pang kapwa niya Filipino-American.

 

 

Ito ang ipinahayag kamakalawa PBA players agent Marvin Espiritu, hinirit na bukod sa 6-foot-8 cager na produkto ng Wake Forest  University sa USA at National University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), ang iba pa ay sina 6-5 forward Tyrus Hill, swingmen 6-2 Joshua torralba at six-footer Franky Johnson.

 

 

Pinanapos ng nakababatang Espiritu na pinaplantsa na rin ang mga kontrata ng kanyang mga player katulad nina Rashawn McCarthy, Prince Caperal, Paul Varilla, Kyle Pascual, Trevis Jackson at Chris Javier sa kani-kanilang mga koponan sa propesyonal na liga.

 

 

Magbubukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9. (REC)

Other News
  • “POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan

    BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.   […]

  • GSIS, bibigyan ng isang “exclusive express lane” ang mga guro, tauhan ng DepEd- VP Sara

    BIBIGYAN ng “ultimate customer service” ng Government Service Insurance System (GSIS)  ang mga guro at iba pang personnel ng Department of Education (DepEd).     Ang tinutukoy ng GSIS na ultimate customer service ay isang exclusive express lane sa GSIS Central Office at regional branches nito para sa mga guro at tauhan ng nasabing departamento. […]

  • HALOS P78-B NAI-RELEASE NA SA GOV’T RESPONSE VS COVID-19 PANDEMIC – DUTERTE

    UMAABOT na sa halos P78 billion ang nailabas ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.   Nakapaloob ito sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipinadala kahapon.   Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa P76.228 billion ay galing sa pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act habang ang P1.753 billion ay mula […]