• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Espiritu aminadong umaalingasaw trade

INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.

 

Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga koponan ay naghahanap ng mga kailangang talent  at kalidad sa puwesto para punan ang mga pangangailangan.

 

“Yes, may mga nagpapahanap na sa amin sa kulang nilang player sa team. Sa ngayon, kung wala talagang makuha doon sa mga nasa free agent, saka kami maghahanap sa mga hindi nagagamit sa ibang teams kung pupuwede naming na mai-negotiate sa isang trade,” bulalas ni Espiritu, ang pinakamaraming hawak na basketbolista at nasa 33 taon na sa larangan.

 

Kaya lang idinagdag niyang  inaasahan pa ang pagsusulputan ng swap ng cagers bago o matapos ang 36th PBA Rookie Draft sa Marso 24, na ang deadline ng aplikasyon para rito ay Enero 27.

 

Inalis na ng PBA ang trade suspension na sinimulan sa nagdaangtaon hanggang January 4 ng taong ito dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

Ang huling naganap na palitan ay kinatampukan sa pagbagsak ni John Paul Erram sa Talk ‘N Text buhat sa North Luzon Expressway sangkot ang Blackwater. (REC)

Other News
  • Bob Marley’s legacy lives on in “Bob Marley: One Love”

    Bob Marley has always felt the power of his music and its capacity to unite people, and Bob Marley: One Love’s aims to capture the immense scope of the icon, and a side of Bob Marley that few have ever seen. “Bob carried the weight of the world on his shoulders to bring one love […]

  • Solons sa LTFRB: Kaawaan ang mga traditional jeepney drivers sa gitna ng COVID-19 pandemic

    Hinimok ng mga miyembro ng minorya sa Kamara ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ikonsidera ang sitwasyon ng ilang libong traditional jeepney drivers sa ilalim ng kanilang public transport modernization program.   Umapela si House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. sa LTFRB at Malacañang na kaawaan naman ang solusyunan ang sitwasyon ng mga […]

  • Panukala na maglilibre ng buwis sa kita ng mga frontliners, aprubado

    Bilang pagkilala at parangal sa hindi matatawarang paglilingkod ng mga medical frontliners sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa huling pagbasa ang House Bill 8259, na naglalayong ilibre sa buwis sa taong 2020 ang mga manggagawa sa kalusugan.     Ang panukalang “Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra […]