• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante, 1 pa arestado sa higit P.2M droga sa Caloocan

NASAMSAM ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang narescue na isang menor-de-edad na lalaki ang mahigit P.2 milyong halaga ng droga matapos masita sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-3:00 ng madaling araw, nagpapatrulya at nagpapatupad ng city ordinance sa Julian Felipe St., Brgy. 8 ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station 4 nang mapansin nila ang menor-de-edad na lalaki na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa ordinansa ng lungsod (curfew).

 

 

Nang lapitan nila para hingan ng ID upang maisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay tumakbo ang binatilyo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakuha ng mga pulis sa 17-anyos na binatilyong estudyante ang isang brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa 1 kilogram ang timbang at may katumbas na halagang P120,000.

 

 

Nauna rito, inaresto din ng mga tauhan ng SS4 si alyas “Pat”, 29, ng Brgy. 75 nang mabisto ang dalang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00 makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na damit habang gumagala sa Salmon St., Brgy. 8, dakong alas-4:20 ng madaling araw.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 151 of the RPC o Resistance and Disobedience to Agent of Person in Authority or Agent of such Person at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 4 opisyal, pinakakasuhan ng Blue Ribbon Committee sa sugar importation fiasco

    INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng administrative at criminal charges laban sa isang Agriculture official at tatlong Sugar Regulatory Administration (SRA) officials kaugnay sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.     Kabilang sa mga pinakakasuhan sa Office of the Ombudsman sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, SRA administrator Hermenegildo Serafica, dating Sugar […]

  • 2 patay sa engkwentro sa SLEX Calamba, Laguna

    Dalawa ang patay sa nangyaring engkwentro bandang alas-4:17 ng  hapon, Hunyo 3 sa pagitan ng mga otoridad at dalawang umano’y notorious robbery/kidnapping personalities sa may bahagi ng Silangan Exit, SLEX, Calamba, Laguna.     Nakatanggap kasi ng report ang Regional Intelligence Division- Anti-Carnapping Unit (RID-ANCAR) ng PNP Calabarzon na isang Chinese ang dinukot ng grupo […]

  • NCR mananatili sa GCQ – Duterte

    INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City. Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive. “Ang […]