EUA application na isinumite ng Bharat Biotech, di pa rin aprubado ng FDA
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL sa kakulangan ng requirements kaya’t hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may isa pang dokumento na hindi pa rin nito naisusumite.
Ani Domingo, kailangan lamang na mapatunayan ng Indian pharma company na nasusunod ng kanilang factory ang mga good manufacturing practice.
Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay bigo pa rin itong makapagsumite ng sertipikasyong ito na kukunin nila sa inspecting body.
Sinabi pa ni Domingo na kung sakali’t makakuha na nito ang bharat biotech ay makasisiguro aniya ito na agad na gugulong ang proseso ng FDA para sa pagkakaloob ng EUA.
-
Kontrata ni Bryant sa Nike tinapos na ng kampo nito
Tinapos na ng kampo ni NBA legend Kobe Bryant ang kontrata nito sa Nike. Nagdesisyon ang asawa ng pumanaw na Los Angeles Lakers star na si Vannessa Bryant at ang abogado nito na hindi na nila ire-renew ang partnership nila matapos na ito ay magpaso noong Abril 13. Sinabi nito na […]
-
Unahin ang kumakalam na sikmura ng mamamayan sa halip na pagtambak ng dolomite sa Manila Bay
Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya. “Kung talagang ang problema ngayon […]
-
Presyo ng kandila at bulaklak, mataas na
RAMDAM na ang pagtaas ng presyo ng mga kandila at bulaklak , ilang araw bago ang paggunita ng Undas. Sa kandila, ang bentahan ngayon ng tatlong piraso ng maliit na kandila sa paligid ng Manila North Cemetery (MNC) ay P40 . Nasa P50 naman ang medium size kada dalawang piraso habang ang large […]