• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Evaluation ng courtesy resignations, target na hindi aabutin ng 3 buwan –PNP chief

TARGET  ng Philipine National Police (PNP) na matapos sa loob ng tatlong buwan ang evaluations at discussions ng five-man advisory group sa mga resignations ng top officials ng organisasyon.

 

 

Sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakatakda nilang isapinal ang mga house rules na gagamitin sa pagsusuri at pagtatasa ng mga third level officers.

 

 

Aniya, ang five-man panel ay nakagawa na ng paunang draft para sa mga alituntunin upang magkomento, at sila ay gagawa ng panghuling rekomendasyon o rectification sa loob ng linggo.

 

 

Kabilang din aniya sa titingnan nila ay ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng mga opisyal.

 

 

Nauna nang hiniling sa mga third level officials ng Philippine National Police na magsumite ng kanilang courtesy resignation dahil layunin ng gobyerno na alisin ang hanay ng mga pulis na nauugnay sa iligal na droga.

 

 

May kabuuang 943 Philippine National Police generals at colonels ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Pinangunahan ni Azurin ang limang miyembro na panel, na kinabibilangan din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating Defense Secretary Gibo Teodoro, dating police general Isagani Nerez at dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Sadang.

 

 

Sinabi ng hepe ng pulisya na pagkatapos ng pagproseso ng five-man advisory group, ang kanilang mga natuklasan ay ipapadala sa National Police Commission para sa pinal na pagsusuri, bago ito ipasa kay Pangulong Marcos para sa kanyang pag-aprub. (Daris Jose)

Other News
  • Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction

    Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James.   Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14.   Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as […]

  • Mga guro tutukan sa gitna ng pandemya – Gatchalian

    SA pagdiriwang ng National Teacher’s Month, inihayag ni Senador win Gatchalian na dapat tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga guro sa gitna ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.   Para kay Gatchalian, ito ang pinakamabuting pamamaraan upang ipagdiwang ang National Teacher’s Month na magpapatuloy hanggang Oktubre 5, araw ng World […]

  • BEA, ipinasilip ang 16-hectare farm sa Zambales na nabili 10 years ago

    NAKAHAHANGA ang 16-hectare farm owned by actress Bea Alonzo sa Iba, Zambales, ang Beati Firma Farm.      Ang meaning ng name ay “Blessed Farm.” Maganda, malinis parang sa ibang bansa ang farm.     Ni-launch ni Bea ang kabuuan ng farm sa kanyang YouTube channel last Saturday evening, March 13, titled “Welcome To Our […]