Ex-child star na si Hopia, excited masolo sa bakasyon ang BF ngayong engaged na
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi akalain ni Katrina Legaspi o nakilala noon bilang si “Hopia,” na maiisip ng kanyang longtime boyfriend na alukin na siya ng kasal.
Nitong weekend nang ibahagi ng dating child star at ngayo’y 26-year-old na, ang pagbigay nito sa matamis na “oo” sa marriage proposal ng kanyang boyfriend of six years.
Ayon kay Hopia, hindi siya nagdadalawang isip na makasama habambuhay ang kanyang first and only love.
Sa wakas aniya ay malapit na silang makapag-travel na silang dalawa lamang.
Naging ka-batch ni Hopia sa isang comedy program sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
Pansamantala siyang umalis sa limelight upang unahin ang pag-aaral at ngayo’y graduate na sa kursong ugnay sa komunikasyon at nagtatrabaho bilang financial advisor.
-
Thurman humirit ng rematch kay Pacquiao
Umaasa si dating boxing champion Keith Thurman na muli niyang makakaharap si Manny Pacquiao. Sinabi nito na nais niyang mabawi ang kaniyang titulong WBA “super” welterweight champion. Hindi aniya ito titigil na hamunin ng rematch ang fighting senator hanggang sa magretiro ito. Dagdag pa nito na makakaharap sana nito IBF at WBA […]
-
Sec. Roque, hindi nagkaroon ng closed contact sa apat na staff nito na nagpositibo sa Covid-19
TINIYAK ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang naging naging close contact sa kahit na kaninuman sa kanyang apat na staff na nagpositibo sa Covid-19. Aniya, naka-skeleton workforce na ang lahat ng mga nagtatrabaho sa kanyang opisina o sa Office of the Presidential Spokesperson. Sa katunayan aniya ay sinabi ng kalihim na […]
-
NCR finance managers, sinanay para sa transparent, efficient fund use- DBM
IBINAHAGI ng Department of Budget and Management (DBM) na ginawa nitong mahusay ang 255 public financial management (PFM) practitioners, kabilang na ang mga budget officers, auditors, at finance officers mula local government units (LGUs) ng Kalakhang Maynila upang masiguro ang ‘responsable, transparent at episyenteng’ paggamit ng public funds. Sinabi ng DBM na ang […]