Ex-gymnast, nakapag-uwi ng 1st gold medal para sa Guatemala matapos maging shooter
- Published on August 5, 2024
- by @peoplesbalita
UMAANI ngayon ng paghanga ang Olympian mula sa Guatemala na si Adriana Ruano.
Ito’y makaraang makapag-uwi siya ng gold medal na kauna-unahan para sa kanilang bansa.
Pero maliban sa naturang historic win, mas lalo pa siyang tiningala makaraang maungkat na dati na siyang sumali bilang gymnast.
Nabatid na nagkaroon ng spinal injury si Ruano kaya hindi na nakapagpatuloy.
Pero nakakita ito ng panibagong opurtunidad sa larangan ng shooting, kung saan pinaghusayan niya ang pagsasanay hanggang sa makamit ang unang gold medal para sa kaniyang bansa.
Sa 50 targets, nakuha ni Adriana ang 45 sa mga ito, bagay na naghatid sa kaniya sa top spot ng sinalihang event.
-
McCullough ramdam na may sumabote sa kanya
MAY pinatatamaan ang beterano ng National Basketball Association (NBA) player na si Chris McCullough sa tweet tungkol sa naturalization niya nito lang isang araw. Ipinahayag ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup import ng champion San Miguel Beer, na may umipit sa proseso ng kanyang pagiging naturalized player para sa Gilas Pilipinas. […]
-
DA, naglunsad ng P45/kilo ‘Rice-for-All’ program
INANUNSYO ng Department of Agriculture (DA) na nakatakda itong maglunsad ng bagong inisyatiba na naglalayong gawing affordable ang presyo ng bigas para sa mga Filipino consumer. Sinabi ng DA na ilulunsad nila ang Rice-for-All program, araw ng Huwebes, Agosto 1, 2024. Ang bagong programa ay ‘follow up’ sa P29 […]
-
PDu30, malabong ma-impeach -Sec. Roque
MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS). Pinalagan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang Pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon […]