• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EX-PNP chief Purisima inabswelto ng Sandiganbayan sa 8 kaso ng perjury

LUSOT sa walong kaso ng perjury ang dating hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima ayon sa Sandiganbayan Second Division.

 

Kaugnay ito ng diumano’y kabiguan niyang iulat ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.

 

Sinabing pagmamay-ari ng dating pulis at kanyang misis ang mga kwinekwestyong ari-arian.

 

Si Purisma ay may iba pang mga kaso ng katiwalian sa harap ng Sandiganbayan.

 

Taong 2016 nang ipaaresto si Purisima, kasama ng 10 iba pa, dahil sa isang diumano’y maanomalyang courier deal.
Kaugnay ito ng kontratang pinasukan ng PNP at Werfast Documentation Agency Inc. (Werfast) noong 2011.

 

Inireklamo rin ng “graft and usurpation” case si Purisima dahil sa kontrobersyal na Mamasapano massacre sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2015.

 

Gayunpaman, ibinasura ng Sandiganbayan ang reklamo noong Enero 2020 laban sa kanya at dating Special Action Force director Getulio Napeñas Jr.

 

Lumabas ang kautusan limang buwan matapos aprubahan ng anti-graft court ang mosyon ng Office of the Ombudsman na bawiin ang mga kahalintulad na kasong inihain laban kay Aquino.

 

Sa kabila nito, sinabi ng korte na hindi ito nangangahulugang wala siyang pananagutan sa pagkamatay na 44 police commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.

 

Aniya, dinisisyunan lang nila ang akusasyong paglabag nila sa Section 3(a) of Republic Act 3019, at pag-agaw diumano sa official functions pagdating sa pagpapatupad ng “Oplan Exodus.”

 

Dati na rin siyang ipinatawag sa Senado kaugnay ng P1.89 bilyong ginastos sa pagbili ng Mahindra patrol vehicles at iba pang procurement projects ng PNP. (Daris Jose)

Other News
  • DOH, nagsimula nang mamahagi ng bivalent Covid-19 vaccines

    NAGSIMULA na ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     “So, dumating na iyong 390,000 doses of bivalent Covid-19 vaccines which came from COVAX. So, it’s a donation, hindi ito prinocure, and as of this moment, as we speak, I think […]

  • Bayanihan 3 ni Speaker Velasco, malabong iendorso ni PDu30

    NGAYON pa lamang ay nagpahiwatig na ang Malakanyang na malabong iendorso ni Pangulong Rodrigo Roa Duerte ang pagpapasa ng P420-billion stimulus package na ipinanukala ni House Speaker Lord Allan Velasco na tinawag bilang Bayanihan 3.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kasalukuyan, ang P4.5-trillion 2021 National Budget at ang P165-billion Bayanihan to […]

  • PDU30, pinakakasuhan na sa Senado ang Pharmally

    Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na sampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation dahil sa overpriced na COVID-19 supplies na binili ng gobyerno.     Sa kanyang lingguhang address to the nation nitong gabi ng Lunes, iginiit ng pangulo na ang Senado ay hindi criminal court at hindi […]