Ex-Pres. Duterte, personal na dumalaw sa burol ng mga nasawi sa Batangas landslide
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
PERSONAL na nagtungo sa Talisay, Batangas si dating Pangulong Rody Duterte.
Dito ay nakiramay siya sa mga pamilya ng mga biktima ng bagyong Kristine na namatay mula sa landslide noong Oktubre 24, 2024 sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.
Kasama niya ang pangkat mula sa Office of the Vice President’s Special Projects Division at Public Assistance Division para magbigay ng Burial Assistance para sa mga apektadong pamilya.
Sumali rin siya sa Relief Operations ng OVP Disaster Operation Center sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.
Si dating Pangulong Duterte kasama ang mga opisyal ng OVP sa pangunguna nina Director for Operations Norman Baloro at G. Eyemard Eje, hepe ng OVP-DOC, ay nag-abot ng burial assistance sa mga pamilya ng mga biktima ng landslide.
Nakiisa rin si FPRRD sa relief operations ng OVP-DOC sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.
Mahigit 1,400 pamilya ang nabigyan ng relief bags sa mga nasabing lokalidad sa Batangas. (Daris Jose)
-
PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas
Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup. Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang […]
-
Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis
MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak. “Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan. “Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga. […]
-
SMB niresbakan ang Meralco
NAGPASABOG si import Shabazz Muhammad ng 57 points para ibangon ang San Miguel mula sa 26-point deficit at balikan ang Meralco, 115-110, sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum. Ang ikalawang sunod na panalo ng Beermen (7-4) ang naglapit sa kanila sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals at inilatay sa Bolts […]