Ex-Sen. Marcos, Sen. Lacson, nakapaghain na ng CoC para sa presidential bid
- Published on October 7, 2021
- by @peoplesbalita
Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.
Kahapon nang inanunsiyo niyang kakandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Kasama rin sa mga naghain ng CoC ngayong araw sina Sen. Ping Lacson na tumatakbong presidente at ka-tandem nitong si Sen. Tito Sotto III.
Kasama ni Marcos ang kanyang asawa at mga anak na naghain ni CoC.
Nag-krus ang landas ni Marcos at Lacson sa loob ng tent sa Sofitel hotel kung saan ginaganap ang CoC filing at nag-fist bump ang mga ito bahagi ng pangangamusta nila sa isa’t isa.
Samantala, sa senatorial bet kabilang sa mga matutunog ang pangalan na naghain na ng CoC sina Sen. Migs Zubiri at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar.
Naghain din ng CoC si Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago para sa Malasakit Movement party-list. (Daris Jose)
-
HANDA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES, AYON SA DOH
HANDA na ang bansa para sa face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. “Well, at this point that you ask me, right now, I can say that we are ready. Ma-sustain lang natin na ang mga kaso nga like the ordinary flu — it’s […]
-
75% ng global supply ng COVID-19 vaccines, nabili na ng 10 bansa- PDu30
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa. “Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang […]
-
PBA bubble amenities kumpleto sa libangan
TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9. “Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang […]