• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Senate Pres. Enrile, nanumpa na bilang chief presidential legal counsel

OPISYAL nang nanumpa sa pwesto si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Juan Ponce Enrile sa Malacañang ngayong araw.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panunumpa ng dating Senate President.

 

 

Ayon sa pangulo, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan at karanasan ng opisyal bilang lingkod-bayan.

 

 

Dahil dito, umaasa ang Pangulong Marcos na lalong mapabubuti ang pagbibigay ng legal assistance tungkol sa mga magiging aksyon ng kanyang administrasyon.

 

 

Si Enrile ay dati na ring nanilbihan bilang Minister of National Defense noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., na ama ni President Bongbong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil

    NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.     Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.     Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba […]

  • PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit

    NAIS ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health  bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa  COVID-19 sa bansa.     Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]

  • NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus

    Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus.   Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics. […]