• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.

 

Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 ang isinampa laban sa magkapatid ng mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) at Taguig taxpayer sa Taguig City Prosecutor’s Office kaugnay sa serye ng “illegal assemblies and public and tumultuous uprisings” na naganap noong May 14 at 23, 2019.

 

Ang mga umano’y illegal assembly ay nangyari matapos lumabas ang resulta ng eleksyon kung saan nanguna sina dating Senator Alan Peter Cayetano at Congressman and filmaker Lino Cayetano ng malaking puntos kontra sa Cerafica brothers.

 

Parehong mga kaso rin ang isinampa laban kay Andre Polo alias Dre Guez Polo, Gloria Polo, Maria Luisa Roja, Oliver Dinco, Atty. Glenn Chong, Theresa Estanislao Reyes, Jheny Perey Orellana, Karen Mercado, Yolly Lacsaron, Daniel Galmarin, Baby Celso, alias Annie Marie, alias Ma. Fatima, alias Florinda at ilan pang mga John at Jane Does.

 

Sa pagsampa ng kaso, sinabi ng mga complainant na ang magkapatid na Cerafica at ang kanilang grupo ay iligal na pinagbawalan ang Taguig City officials na gampanan ang kanilang mga trabaho nang magkaroon ng iligal na pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard, na isang public road, noong Mayo 14. Pawang walang permit ang mga naturang pagtitipon na ikinainis ng mga na-stranded na residente.

 

Ayon pa sa reklamong isinampa, ang Cerafica brothers ay nagtawag umano ng pagkilos upang ipakita ang galit o “infliction of acts of hate” sa mga public officers, at meron pang mga binitawang mga libelous na salita laban sa gobyerno dahil umano sa dayaan sa 2019 elections.

 

“The tumultuous nature of the illegal assemblies is readily apparent from the use of loud speakers, blaring of music, honking of horns and loud shouts of respondents John and Jane Does,” ayon sa isang complainant.

 

“Respondents have committed a series of actual overt acts showing a concerted and systematic criminal design and purpose to perpetrate the crimes charged…,” dagdag pa sa reklamo.

 

“We understand that where the acts collectively and individually demonstrate the existence of a common design towards the accomplishment of the same unlawful purpose, conspiracy is evident and all the perpetrators will be liable as principals,” saad pa sa kasong isinampa. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM, tatalakayin ang usapin hinggil sa SCS sa ASEAN Summit

    INAASAHAN na gagamitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits sa Vientiane, Laos para talakayin ang ang kamakailan lamang na kaganapan sa South China Sea (SCS).     “Of course, definitely. The President always champions that issue in all of the summits […]

  • Ads March 26, 2022

  • Street Smart nagpa-wow sa Philracom Rating Based

    Pasiklab ng tikas si Street Smart para manalo sa Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System Linggo ng hapon sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.   Kinabayo ni jockey Rico Suson, tumiyempo siya ng 1:26.8 sa 1,400 meter race upang ibulsa ng winning horse owner ang premyong P150K.   Sumegundo si Moves […]