Ex-top prosecutor nahalal bilang bagong presidente ng South Korea
- Published on March 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAHALAL bilang bagong pangulo ng South Korea ang oposisyon at dating top prosecutor na si Yoon Suk-yeol sa ginanap na halalan nitong nakalipas na Miyerkules.
Nanguna si Yoon na nakakuha ng 48.6% na boto laban sa ruling liberal party Democratic candidate na si Lee Jae Myung na nakatipon ng 47.8% votes mula sa mahigit 99% votes na nalikom.
Ang pagkapanalong ito ni Yoon ay inaasahang magiging daan para magkaroon ng malakas na alyansa sa US at mas maigting na ugnayan sa North Korea.
Sa victory speech ng dating top prosecutor at newly elected president ng South Korea, na kaniyang igagalang ang konstitusyon at parliament gayundin makikiisa ito sa opposition party para sa matiwasay na pamumuno.
Sa buwan ng Mayo nakatakdang manumpa bilang bagong pangulo si Yoon at magsisilbi ng limang taong termino bilang lider ng itinuturing na 10th largest economy sa buong mundo.
-
PDU30, inakusahan ang Senado na sangkot sa ‘fishing expedition’
MULING binatikos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador lalo na si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon, dahil sa halatadong pag-witch hunt para makakuha ng ganansiya sa politika. Sa mga bagong bira ng Pangulo laban kay Gordon, inulit ng Chief Executive ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang kanyang […]
-
Alex Eala hindi nakaporma sa US tennis player na nakaharap sa Miami Open
NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis player Alex Eala sa Miami Open. Sa unang round pa lamang kasi ay hindi na ito nakaporma laban kay Madison Brengle sa score na 6-2, 6-1. HIndi nakaporma ang Filipina tennis prodigy na ranked 565 laban sa World No. 59 ng US. […]
-
Jose, gaganap na kapatid niya: VIC, babu na muna sa pagiging ‘daddy’ sa bagong sitcom
BABU muna si Bossing Vic Sotto sa pagiging ‘daddy’ sa papel niya bilang si Boss EZ sa ‘Open 24/7’ ng GMA. “Ang pinaka-role ko rito ay kung papaano makiki-interact sa dalawang generations; millennial at yung mga Gen Z. “Alam naman natin na iba na ang mga pananaw ng mga kabataan ngayon […]