Ex-VP Noli de Castro, umatras na sa senatorial race
- Published on October 14, 2021
- by @peoplesbalita
Babalik na lamang sa broadcast industry ang beteranong mamamahayag at dating vice president na si Noli de Castro.
Ito ang nilalaman ng statement ni De Castro (Manuel Leuterio de Castro, Jr.) na ipinaabot niya sa kampo ni Manila Mayor Isko Moreno.
Magugunitang naghain si Kabayan ng certificate of candidacy (CoC) noong Biyernes, sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, kung saan si Mayor Moreno ang standard bearer.
Ayon sa dating bise presidente, nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang mga plano sa mga nakalipas na araw, kaya minabuti nitong bawiin na lamang ang isinumiteng kandidatura.
“Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,” wika ni De Castro.
Bago naging vice president noong 2004, nahalal muna siyang topnotcher senator noong 2001.
Pero makalipas ang termino bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Arroyo administration, bumalik siya sa media bilang tagapagbalita.
Marami naman ang nanghihinayang sa naging pag-withdraw ni De Castro ng kaniyang kandidatura. (Gene Adsuara)
-
Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE
HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian. Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit […]
-
Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games
AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13. “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]
-
Baldwin hindi pa rin tatanggalin sa Gilas Pilipinas – SBP
Mananatili pa ring project director ng Gilas Pilipinas si Tab Baldwin. Kasunod ito ng kinaharap nitong kontrobersya sa negatibong komento sa mga local coaches at PBA noong nakaraang buwan. Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios na naging malinis na ang pangalan ni Baldwin sa ginawa nito. Magkakaroon […]