• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Executive branch, may malaking papel sa pagkaka-aresto sa magkapatid na Dargani

SINABI ng Malakanyang na kailangan ding bigyan ng kredito ang Executive department sa pagkaka-aresto sa Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani ng Senate security personnel sa Davao City.

 

Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms ang Pharmally executives ang magkapatid na Dargani.

 

Ang dalawa ay naaresto matapos na magtago sa lungsod ng Davao.

 

“I don’t think it can be done without the cooperation of the Executive department. The airport is under the Executive branch of government,” ayon kay Sec. Roque.

 

“The Executive branch could have allowed them to proceed with their flight kung gugustuhin [if it wanted to]…the Senate could have been ignored if the Executive wanted to, but we recognized the contempt powers of the Senate,” dagdag na pahayag nito.

 

Magugunitang na-contempt ng senado ang magkapatid na Dargani dahil sa hindi nila pagsumite ng mga kailangan na dokumento.

 

Naglabas na rin ng arrest order ang Office of Sergeant at-Arms laban kay dating budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao.

 

Nauna rito iniimbestigahan ng Senate blue ribbon committee ang Pharmally Pharmaceutical Corp. ang PS-DBM sa bilyong halaga ng mga medical supplies ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • 7 arestado sa buy bust Valenzuela

    Pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy bust operation ng sa Valenzuela city.     Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni […]

  • Malakanyang, nagpaabot ng pagbati kina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte

    NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kina Ginoong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at Binibining Inday Sara Duterte-Carpio sa electoral victory at proklamasyon ng mga ito bilang President-elect of the Philippines at Vice President-elect of the Philippines.     “Today’s proclamation ceremony by Congress marks another historic milestone in our political life as a nation underscoring that […]

  • Pamilya ni Board Member ANGELICA, patuloy na nakikipaglaban matapos mag-positive sa COVID-19

    NAKIKIPAGLABAN ngayon ang pamilya ni Laguna 3rd district provincial board member Angelica Jones sa sakit na COVID-19.     Pinost ni Angelica sa Facebook na nagkahawaan sa bahay nila kaya pati ang kanyang ina at ang kapatid ay nag-positive sa COVID-19.     Naka-confine sila ngayon sa San Pablo City District Hospital.     “Me, […]