Extension ng deklarasyon ng state of calamity sa Pilipinas, definitely-Sec. Roque
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
SIGURADONG sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ie- extend o palalawigin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang idineklara nitong state of calamity sa Pilipinas.
Ito’y dahil sa patuloy na pakikibaka ng bansa sa COVID-19 pandemic.
“Yes, definitely ..it will be extended. It’s in the desk of the President, probably signed by now,” ayon kay Sec. Roque .
Matatandaang isinailalim ni Pangulong Duterte sa State of Calamity ang buong bansa sa harap ng patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Proclamation No. 929, anim na buwan isasailalim sa state of calamity ang Pilipinas pero puwede itong palawigin o umikli depende sa mga pangyayari.
Sa ilalim ng state of calamity, mas mabibigyan ng mas malawak na access ang national government at mga local government unit (LGU) sa kinakailangang pondo, kabilang ang quick response fund, para sa disaster preparedness.
Ang deklarasyon ng state of calamity noong Marso ay nakapagbigay pagkakataon sa pamahalaan na mas maayos na tugunan ang pandemiya bago pa mapagtibay ang virus response na Bayanihan to Heal as One Act, at Bayanihan to Recover as One Act.
Sa ulat, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamatagal at mahigpit na lockdowns sa buong mundo habang ang buong bansa ay nasa ilalim ng iba’t ibang levels ng community quarantine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Online classes sa Valenzuela kanselado ‘pag may bagyo
KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod. Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa pre- school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga […]
-
Pinoy, binitay dahil sa kasong pagpatay sa Saudi Arabia —DFA
ISANG Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia ang binitay dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa na lahat ng departamento ang magagawa nito hinggil sa kaso ng akusadong Filipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of […]
-
Presensiya ng mga OFWs sa Middle East, isang “plus factor” para makapanghikayat ng Arab investors- PBMM
ISANG malaking factor ang malakas na presensiya ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan para makapanghikayat ng mga investors mula sa Arab countries. Sa open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na welcome sa Pilipinas ang anumang major capital intensive investment lalo pa’t […]