• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

F2, Perlas sasalang din sa bubble training

Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

 

 

Target ng Cargo Mo­vers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas.

 

 

Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and Amusements Board (GAB).

 

 

Agad namang tutulak ngayong araw si GAB pro volleyball division head Reginald Capadera para magsagawa ng ocular ins­pection sa venue.

 

 

Sa oras na makumpleto na ang lahat ng requirements partikular na ang health protocols, posibleng mabigyan na ng go signal ang Cargo Movers para simulan ang ensayo.

 

 

Sa kabilang banda, nais ng Perlas Spikers na magsagawa ng training camp sa Baguio City.

 

 

Tinukoy ng Perlas ang St. Vincent Gym sa Na­guillan Road bilang training venue ng tropa.

 

 

Nakapagsagawa na ng inspeksiyon ang GAB sa naturang venue gayundin sa magiging accomodation ng lahat ng players, coaches at staff.

 

 

Kaya naman nakaabang na ang Perlas Spi­kers sa magiging desisyon ng GAB para agad na masimulan ang ensayo.

 

 

Tiniyak ng Perlas Spi­kers na susunod ang lahat sa patakarang ipinatutupad sa Baguio City lalo na ang “no leisure walks” sa siyudad.

 

 

Gaya ng PBA teams, kailangan ng F2 Logistics at Perlas Spikers na sumailalim sa regular swab tes­ting bago magsimula ang training camp.

Other News
  • Presidential Medal of Merit, P3-M at house and lot ibinigay ni PDU30 kay Hidilyn Diaz

    Nasa P3 million at fully furnished na house and lot sa Zamboanga City ang ibinigay na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.     Sa courtesy call ni Diaz kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng video-conference, sinabi ng Punong Ehekutibo na maliban pa ito sa P10 milyong makukuha ng Pinay […]

  • Mga Pinoy, ‘sick and tired’ na sa pagkahati-hati- analyst

    NAPANATILI ni Presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malaking kalamangan sa presidential race polls dahil sa kanyang “simpleng” nilalayon na itindig ang pagkakaisa.     Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Dr. Froilan Calilung, nagtuturo ng political science sa University of Santo Tomas (UST), na mas pinalalim ng halalan ngayon taon ang […]

  • Pilipinas bumaba ang ratings sa pagiging masayahin – research

    Bumaba ang ratings ng Pilipinas sa dami ng mga Filipino na masaya ngayong 2021.     Ayon 2021 World Happiness REport ng United Nations na sa pang number 61 na ang ranking ng Pilipinas mula sa dating pang-52 noong 2020.   Gumamit ang researchers ng Gallup data kung saan tinatanong ang mga tao na i-rate […]