Face shield hindi na mandatory sa mga pampublikong transportasyon
- Published on November 19, 2021
- by @peoplesbalita
Pinagbigay alam ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampulikong transportasyon tulad ng public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), Metro Rail Transit 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2, at Philippine National Railways (PNR).
Sa ilalim ng Alert Level 3 at below hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shields at sa mga lugar na may Alert Level na 1 at 2.
“This comes after President Duterte approved the guidelines recommended by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF),” wika ng DOTr.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Mediadelia na sa nilagdaan niyang memorandum noong Nov. 16, ang pagsusuot ng face shield ay hindi na mandatory sa mga lugar na may Alert Levels 1,2 at 3 at ito ay magiging voluntarily na lamang.
Sa mga lugar naman na may Alert Level 4, ang mga lokal na pamahalaan at mga pribadong establemiento ay binigyan ng discretion sa paggamit ng face shields. Para naman sa mga lugar na may pinakamahigpit na Alert Level, ang paggamit ng face shield ay mandatory pa rin.
Dagdag pa ni Mediadelia na ang mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim pa rin ng lumang community quarantine system ay may kanikanilang discretion sa pagpapatupad ng batas tungkil sa paggamit ng face shield.
Nilinaw naman ng DOTr na kahit na hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shield, ang mga pasahero ay pinapayuhan at pinaaalahanan na kailangan pa rin nilang sumunod sa pagsunod ng minimum public health standards sa mga pampublikong transportasyon.
Kabilang dito ang paggamit ng face masks, mahigpit na pagpapatupad ng social distancing, parating pagkakaron ng sanitation sa mga pampublikong sasakyan, pagbabawal sa paguusap at pagkain sa loob ng mga sasakyan. LASACMAR
-
804 Valenzuelano PWD at pedicab drivers, natanggap sa TUPAD
AABOT sa 804 Valenzuelano persons with disability at pedicab driver ang pumirma ng kontrata bilang pinakabagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Valenzuela City. Sa pamamagitan ng tanggapan ni First District Representative REX Gatchalian, at sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang REX Serbisyo Center ay […]
-
Pag-angkat ng sibuyas, aprub na – DA
TULOY na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng sibuyas. Ito ang sinabi ni Agriculture spokesman Rex Estoperez makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importasyon ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas. Sinabi ni Estoperez na nilagdaan na ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang importasyon ng fresh yellow and red onion. […]
-
‘Venom: Let There be Carnage’, Getting Delayed Once Again To a 2022 Release Date
Venom: Let There be Carnage has reportedly been delayed to a 2022 release date. The sequel to 2018’s Venom, which was a huge success at the box office despite poor reviews, Let There Be Carnage will see Tom Hardy return as the symbiote-afflicted Eddie Brock, this time facing off against Woody Harrelson’s Cletus Kasady/Carnage. Venom 2 also stars Michelle Williams, Naomie Harris, Reid […]