Face-to-face classes bawal pa rin- Malakanyang
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
MAY paghahanda nang ginagawa ang of Education (DepEd) para sa limited face-to-face classes.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kabila ng bawal pa rin ang nasabing set- up para sa pag-aaral ng mga estudyante.
Giit ni Sec. Roque, hindi pa rin payag si Pangulong Duterte sa tradisyunal na harapang pagka-klase sabay paglilinaw sa naging pahayag ng CHED.
Aniya, na-iquote daw kasi si CHED Chairman Popoy De Vera na inaprubahan na daw ng IATF ang limited face-to-face classes na pinapayagan sa mga low risk areas.
Subalit para kay Sec. Roque, walang ganoong direktiba at naghihintay pa sila ng instruction tungkol dito mula sa Presidente.
Maging si DEPED Secretary Leonor Briones ani Sec. Roque ay nagsabing wala nilang approval ang programa ni VP Leni Robredo na face-to-face class gayung ito aniya’y bawal pa rin.
“Hindi po, naghihintay pa po tayo ng instruction sa Presidente. Bagama’t mayroon pong paghahandang ginagawa ang DepEd, hindi pa po allowed ‘yan dahil hindi pa po pumapayag ang Presidente,” ayon kay Sec. Roque.
“Nilinaw nga po ni Secretary Briones na iyong programa ni VP na mayroong face-to-face, wala po iyang approval ng DepEd at iyan po ay ipinagbabawal pa,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
JAPAN PM KISHIDA, nakatakdang dumating bukas sa Pinas-DFA
NAKATAKDANG pag-usapan bukas, araw ng Biyernes, Oktubre 3 nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio ang usapin ukol sa West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan. Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado, Nobyembre 4, 2023. […]
-
Tahasang inamin na matagal na silang hiwalay ni Lee: POKWANG, sinagot ang mga bashers na nagsabing na-karma siya
MISMONG si Pokwang na ang nagkumpirma na hiwalay na nga silang talaga ng American partner na si Lee O’Brian o si Papang. Sa interview sa kanya ng PUSH.com ay tahasang sinabi ni Pokwang na hiwalay na nga raw sila ni Papang noon pang November 2021. Personally, knows din namin ito matagal na, pero […]
-
P5.268 trilyong budget sa 2023, aprub na sa Senado
SA BOTONG 21 pabor at walang pagtutol o abstention ay inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang P5.268 trilyon 2023 national budget. Dahil dito kaya sisimulan na nila sa Biyernes ang bicameral conference committee meetings para pag- usapan ang mga hindi napagkasunduang probisyon ng Kamara at Senado. […]