Face to face classes, maaaring ilimita sa ilang oras lamang-Sec. Roque
- Published on February 22, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING ilimita lamang sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes, Pebrero 22 kung saan ay pag-uusapan kung papayagan na nga ba ang in-person classes.
“Hindi naman sinabi na palibhasa face to face yan po ay 8 hours 5 days a week. Pwede naman one hour per week, 3 hours per week, basta meron lang pong kombinasyon ng module, ng computer-aided at saka face to face kung kinakailangan makipag-ugnayan sa mga guro,” ayon kay Sec. Roque.
“Yan po ay pag-uusapan, sa press breifing ipinaliwanag ni Sec. Leonor Briones na ito naman ay naunang naaprubahan ng IATF bagama’t panandaliang tinigil natin dahil pumasok ang new variant. Pero ngayong naintindihan na natin ang new variant na ito at mukha namang wala tayong community transmission sa new variant eh bubuhayin muli ang pag-uusap tungkol sa face to face. Dahil gaya ng sinabi ni Sec. Briones parang tayo na lang ang bansa na wala pang face to face sa buong mundo,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinuspinde ni Pangulong Duterte ang pilot testing ng in-person classes bunsod ng bago at mas nakahahawa na COVID-19 variant na nakumpirma sa ilang bahagi ng bansa.
“Pero sa tingin ko po, alam na natin ang anyo ng bagong variant ngayon, mas nakakahawa. Pero alam din po natin ang kasagutan sa bagong variant na ‘yan mas maigting na mask, hugas at iwas.
Nauna rito, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na tanging ang Pilipinas na lamang ang naiiwan sa mga bansa sa Southeast Asia na hindi pa bumabalik sa face-to-face classes.
Ayon sa Kalihim, ang face to face sa ibang bansa ay “contextualized” kung saan may iba aniya na may isang oras sa isang linggo habang ang iba naman aniya ay dalawang araw. Depende aniya sa situwasyon.
Magkagayon pa man ay naghahanda pa rin ang DepEd sa pagdating ng panahon na i-lift o bawiin na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang deferment ng pilot studies ng Pilipinas.
Sa ngayon ay masasabing maraming kondisyon ang dapat na ikunsidera gaya ng kailangang pumayag ang local government na gumawa ng face-to-face sa kanilang teritoryo dahil teritoryo ng mga ito iyon at saka malaki aniya ang mga investment ng mga local government sa mga eskuwelahan. Kailangan na may consent ng mga ito. Eliminated ang NCR sa isinama nila na 1,000 schools dahil hindi naman ito sumasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). (Daris Jose)
-
3 drug suspects kalaboso sa P1 milyon droga sa Caloocan
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P1 milyong halaga ng Ilegal na droga sa tatlong drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, ala-1:35 ng Lunes ng madaling araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station […]
-
Legal age ng vaping hirit itaas sa 25
NAIS ng isang eksperto na maamyendahan ang Vape Law at maitaas ang legal vaping age sa 25 mula sa kasalukuyang 18. Sa health literacy media conference sa Subic, Olongapo City, sinabi ng pulmonologist na si Dr. Maricar Limpin, dating pangulo ng Philippine College of Chest Physicians, na kailangan nang maamyendahan ang naturang […]
-
Ayuda sa seniors, PWDs dapat gawing P1K
NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa. Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.” Ang budget ay nanggagaling sa Department of […]