• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face to face classes sa Enero 2021, kanselado

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanselasyon ng face-to-face classes, na nauna nang inaprubahan ng Department of Education (DepEd) na magdaos ng pilot study sa Enero 2021.

Ang kautusan ng Pangulo ay inihayag nito nang pangunahan ng Chief Executive ang Inter-Agency Task Force (IATF) meeting kasama ang mga infectious diseases experts kagabi, Disyembre 26, 2020, sa Heroes Hall, Malacanan Palace.

Sa panig naman ni DepEd Secretary Leonor Briones ay sinabi nito na ipatutupad niya ang kautusan ng Pangulo na bawiin ang limited face-to-face classes.

Hinggil naman sa usapin ng Pfizer, kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Rolando Domingo na naghain na sila ng Emergency Use Authorization (EUA) noong Disyembre 23, 2020.

“It will take FDA 21 days to evaluate and approve the EUA but vaccination would start as soon as stocks become available,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Samantala, kasama ng Pangulo sa nasabing pulong ang mga miyembro ng kanyang gabinete na sina Executive Secretary Salvador Medialdea; Secretary Francisco T. Duque; Secretary Delfin N. Lorenzana; Secretary Carlito G. Galvez; Secretary Eduardo M. Ano; Secretary Menardo I. Guevarra; Secretary Arthur P. Tugade; Secretary Karlo Alexei B. Nograles; at Secretary Herminio Harry L. Roque Jr.

Present din sa miting si Senador Christopher Lawrence T. Go.

Habang ang mga inimbitahan namang medical experts ay kinabibilangan nina Dr. Marissa M. Alejandria, miyembro ngTechnical Advisory for COVID-19 (TAG); Dr. Marc Edsel C. Ayes, Laboratory Manager ng UP-Philippine Genome Center (PGC); Dr. Celia C. Carlos, Director ng Department of Health (DOH)-Research Institute for Tropical Medicine; Dr. Althea de Guzman, Medical Specialist ng DOH Epidemiology Bureau; Dr. Rolando Enrique D. Domingo, Director General ng DOH-Food and Drug Administration; Dr. Nina Gloriani, Pinuno ng Vaccine Development Expert Panel at Professor ng UP College of Public Health; Dr. Teodoro J. Herbosa, Special Adviser ng NTF-COVID-19; Dr. Jodor A. Lim, Lead Expert sa Clinical Trials for Vaccines at miyembro ng UP-Philippine General Hospital Division of Infectious Diseases; Dr. Jaime C. Montoya, Executive Director ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development; Dr. Anna Lisa T. Ong-Lim, miyembro ng TAG; Dr. Cynthia Palmes-Saloma, Executive Director ng UP-PGC; Dr. Mario M. Panaligan, Immediate Past President ng PSMID at Vice President ng Philippine College of Physicians; Dr. Katherine Ann V. Reyes, Associate Dean for Research ng UP College of Public Health; Dr. Camilo C. Roa, Jr., Pulmonary Medicine ng Manila Doctors Hospital; Dr. Edsel Maurice T. Salvana, miyembro ng TAG; Dr. Ofelia P. Saniel, Professor Emeritus ng UP College of public Health Department of Epidemiology and Biostatistics; Dr. Rontgene M. Solante, Chairman ng Adult Infectious Disease Tropical Medicine ng San Lazaro Hospital; at Dr. Socorro B. Zarate-Escalante, Coordinator ng World Health Organization.

Nauna rito, muling inulit ni Senador at chairman ng Senate Committee on Health Christopher “Bong” Go ang kanyang “firm reservation” kaugnay sa pagdaraos ng pilot face-to-face classes sa bansa sa Enero 2021 habang wala pang aprubadong ligtas at epektibong bakuna sa gitna ng bagong strain ng COVID-19.

Patuloy naman ang kanyang paghikayat sa mga concerned authorities na irekunsidera ang nasabing plano bunsod na rin ng potensiyal na banta ng COVID-19 at bagong strains sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante , teaching staff at nakapaligid na komunidad nang walang aprubadong bakuna para protektahan ang mga ito.

“Same stand po ako diyan. Matagal ko nang sinasabi na habang wala pang vaccine ay ‘wag muna natin ipasubo ang mga bata. Dapat balikan at pag-aralan ng gobyerno ang polisiyang ito na bumalik sa face-to-face classes,” ayon kay Go.

“Sa Mayo, matatapos naman na ang klase (school year). Ba’t ‘di na lang natin antayin? Alam naman natin na marami pang nangyayari. Nakakabahala kung bubuksan pa natin ang klase (na face-to-face),” dagdag na pahayag ni Go sabay sabing “Unahin natin ang buhay at kaligtasan ng bawat Pilipino. A life lost is a life lost forever.”

Matatandaang, itinutulak ng Department of Education ang limited physical classes a low-risk areas upang tugunan ang educational challenges na kinahaharap ng mga kabataan mula sa disadvantaged families at sa rural areas.

Tinalakay ni Go ang isyu kay Pangulong Duterte na irekunsidera ang nasabing hakbang at i-delay ang pilot implementation hangga’t walang ligtas at epektibong bakuna na available at ang level of immunity ng bansa ay “high enough to achieve herd immunity.”

“With what is happening right now sa ibang bansa, siguro maaaring pag-usapan at pag-aralan at bisitahing muli ang desisyon ng DepEd. Pwede ko pong kausapin si Pangulo at maaaring pag-aralang muli ang pilot implementation ng face-to-face classes,” ang pahayag ni Go.

“Pag may nag-positive diyan kahit isa, panibagong contact tracing na naman tayo. Back to square one na naman, panibagong trabaho. Ba’t ‘di pa natin hintayin ang next school year? Sakaling ma-attain na natin ang herd immunity baka sakaling makapag pilot test na tayo,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Mahigit sa $1 billion investments sa Pinas, inanunsyo ng Kalihim ng US Commerce

    DUMATING na sa Pilipinas si US Commerce Secretary Gina Raimondo bitbit ang magandang balita na mahigit sa $1 bilyong halaga ng investments ang paparating sa bansa mula sa 22 American companies.     Si Raimondo, nangunguna sa high-level Presidential Trade and Investment Mission, nakipagpulong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Philippine economic team sa kanyang […]

  • Sekyu pinagsasaksak ng 2 kainuman, kritikal

    Nasa kritikal na kondisyon ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng dalawang factory workers makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.   Kasalukuyang inoobserbahan sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Kevin Navarro, 28 ng 290 Magat Salamat St. Brgy. Daanghari.   […]

  • Health workers emergency allowance, fully paid sa pagtatapos ng 2025 —DBM

    TARGET ng Department of Budget and Management (DBM) na plantsahin ang lahat ng hindi pa bayad at kulang para sa Health Emergency Allowance (HEA) sa pagtatapos ng susunod na taon. Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na nangako si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isinagawang public hearing at imbestigasyon ng Senate Committee on Health and […]