Face to face visitation sa mga preso sa mga jail facility, dumaan sa maraming konsiderasyon bago payagan
- Published on December 16, 2022
- by @peoplesbalita
MAAYOS ang inisyal na pagtaya ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa muling pagpapatupad nila ng face to face o in person visitation sa mga bilanggo o persons deprived of liberties.
Sinabi ni Bureau of Jail Spokesman Jail Supt. Xavier Solda na 478 na mga district jail sa buong bansa ang pinayagan na ang face to face visitation.
Binigyang-diin ni Solda na bago nila ibinalik ang in-person visitation, malaking konsiderasyon ay ang vaccination coverage ng mga preso at mga personnel ng BJMP, lagay ng community transmission, at bilang ng mga kaso sa mga kulungan.
Para sa mga kulungan na masikip, sinabi ni solda na magpapatupad sila ng adjustments sa bilang ng mga bibisita sa mga preso.
Ayon kay Solda, 25% ng total jail population ang pwedeng makadalaw muna, dahil hindi lang health concern ang kanilang iniisip kundi maging ang security concerns din sa mga pasilidad.
Nakay Pangulong BBM kung sesertipikahan bilang urgent ang Maharlika Investment Fund.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, upapa ubaya na lamang nika kay Pang. Bongbong ang desisyon sa naturang isyu.
Sa ngayon aniya ay naisa-ayos na nila ang MIF upang tugunan ang alinlangan ng publiko hinggil sa ilan sa probisyon nito, isa na nga ay patungkol sa pagsali ng SSS at GSIS bilang funding source.
Nakasalang na sa ikalawang pagbasa ang MIF at batay aniya sa update ni House Majority Leader Mannix Dalipe, may 90 mambabatas na nag co-author sa panukala at posibleng umakyat pa sa 250.
Nagkausap din aniya sila ni Sen. Mark Villar na nagpahayag aniya ng kahandaan na maghain ng counterpart measure sa senado.
Muli namang binigyang diin ni Romualdez na mahalagang tingnan ang kabuuang layunin ng pagtatatag ng sovereign wealth fund.
Punto nito, imbes na natutulog lang ang pera at pondo ng pamahalaan at mga GOCC ay maigi na mailagak ito sa sovereign wealth fund na inaasahang magbibigay ng mas malaking kita, na siyang magagamit pampondo ng iba’t ibang programa at proyekto ng pamahalaan.
Makakatulong din aniya ito na makaakit ng iba pang mamumuhunan sa bansa. (Daris Jose)
-
DBM, ipinalabas ang P875-M para punan ang QRF ng DSWD
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P875 million para punan ang Quick Response Fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang hakbang na ito ay alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para tiyakin ang ‘disaster response at […]
-
Para pabulaanan ang paratang na ‘land grabber’: Legal counsel ni BEA, naglabas ng statement at handang magsampa ng kaso
UMANI ng papuri si Bea Alonzo sa pagpapakain niya sa mga Aeta na kapitbahay niya sa Zambales nguni’t nakatanggap pa rin ito ng negatibong komento mula sa Twitter user na si @ALOveyoutoo, na tila inakusahan pa si Bea na nagnakaw ng lupain ng mga katutubong Aeta. Sa kanyang Twitter, ni-reshare niya ang isang post […]
-
Rianne Malixi apektado ang pagpalo sa sobrang lamig
BINABAGABAG ng malamig na klima, nagkasya si Rianne Mikhaela Malixi sa 78 para maiwan ng nine-stroke ni Vanessa Zhang ng Canada makaraan ang 18 butas ng Citrus Golf Trail Ladies Invitational nitong Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas) sa Sun ‘N Lake course sa Sebring, Florida. May isang birdie lang ang Pinay golfer na kinakalinga […]