• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Feb. 9 at 10, kapwa holidays -PCO

TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang mga Filipino matapos na magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 453 nito lamang Enero 18, na nagdedeklara ng special non-working day sa araw ng Biyernes, Pebrero 9 para sa nasabing okasyon.

 

 

Karagdagan ito sa Proclamation No. 368, na may petsang Oktubre. 11, 2023, na nagdeklara naman sa Pebrero 10, 2024, bilang special non-working day sa buong bansa para sa Chinese New Year.

 

 

Ang pinakabagong proklamasyon, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, maituturing na ang nasabing linggo ay isang “long weekend” at kauna-unahang long weekend ng taon.

 

 

Base sa Proclamation No. 453, ang holiday ay idineklara para pahintulutan ang mga mamamayan na magdiwang ng Chinese New Year.

 

 

“The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Inaatasan ng Proclamation No. 453 ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kaukulang circular sa pagpapatupad ng proklamasyon para sa pribadong sektor.

 

 

Ang Chinese New Year ay tanda ng pag sisimulan ng bagong taon traditional lunisolar Chinese calendar.  (Daris Jose)

Other News
  • INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED)

    INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED) na maging alerto upang agarang tumugon sa pangangailangan ng mga Batang Kankalo sa […]

  • Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant

    Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.   Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom.   “And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, […]

  • Kapuso breakout star na si CLAIRE, bagong ‘Pantasya ng Bayan’ matapos magpasilip ng alindog sa serye

    ANG Kapuso breakout star na si Claire Castro ang bagong Pantasya ng Bayan.     Pagkatapos na magsilip ng kanyang alindog si Claire sa kanyang eksena with Rayver Cruz sa teleserye na Nagbabagang Luha, tinawag na siya ng netizens na bagong Pantasya ng Bayan.     Sey ni Claire sa binibigay na titulo sa kanya: “I’m not sure what ‘pantasya’ means po, […]