• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, Cardenas, inilunsad ang Bulacan Republicans para sa NBL season 4

LUNGSOD NG MALOLOS– Inilunsad nina Gob. Daniel R. Fernando at Romy Cardenas bilang mga team owner ang Bulacan Damayan Republicans, kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa National Basketball League Season 4 at binuksan ang try out sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito, Lunes ng umaga, para sa mga nagnanais na mapabilang sa team.

 

 

Sinabi ni Fernando na habang hindi pa natutuloy ang plano nitong Bulacan Sports Academy dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang layunin niyang palakasin ang mga Bulakenyong atleta.

 

 

“Gusto kong magkaroon ng advance learning and technology ang mga manlalarong Bulakenyo, pero sa ngayon, nang imbitahan tayo ng NBL, kinuha natin ‘yung opportunity na palakasin ‘yung ating mga homegrown basketball players at i-develop ‘yung kanilang discipline, sportsmanship and humility,” ani Fernando.

 

 

Ayon naman kay Cardenas, naniniwala siya at sumusuporta sa gobernador at nais din niyang ipakita na kayang makipaglaban ng mga Bulakenyo sa propesyunal at pambansang liga.

 

 

Samantala, sinabi ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra na makakaasa ang lahat na sinusunod nila ang mga protokol sa kalusugan at palaro ngunit inaasahan din niya na ang mga atleta na rerespetuhin nila ang mga opisyal at iiwas sa anumang gulo sa palaro.

 

 

Ipinaliwanag naman ni NBL Executive Vice President Rhose Montreal na inimbitahan nila ang gobernador dahil batid nila ang pagmamahal nito sa isports kung kaya naman nailunsad ang proyektong Bola Kontra Droga ilang taon na ang nakararaan.

 

 

“We believe na kapag si Gob ang nag-handle mas magiging maayos at maalagaan ang team,” ani Montreal.

 

 

Bukod dito, inanyayahan din ni NBL Vice President for Operations Commissioner John Edward Aquino ang mga nangangarap maging propesyunal na manlalaro na ituloy ang kanilang mga pangarap.

 

 

“The only requirement is the PSA to prove that you really are a homegrown in that area. Apart from that sa age, since professional league na 21-35 na, and everyone will get a license from GAB, not just that coach and players but everyone in the team, and that is a matter of privilege, ibig sabihin ‘pag may ginawa kang mali at after maimbestigahan, pwedeng bawiin,” paliwanag ni Aquino.

 

 

Naitatag ang NBL noong 2018 bilang isang developmetal league at unang professional homegrown league sa mundo na naglalayong paghusayin ang talento ng mga homegrown na atleta ng mga bayan, lungsod o lalawigan na magsisimula sa Abril.

 

 

Kahanay  na ng NBL ang Philippine Basketball Association at Chooks-to-Go 3×3 sa listahan ng mga professional leagues sa bansa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na magkaroon ng exposure at hindi upang makipagkumpetensya sa kapwa nila propesyunal na paliga. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region

    PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya  ang bansa sa Asean […]

  • Gobyernong Duterte, walang balak magpatupad ng toll sa EDSA

    WALANG balak ang pamahalaan na magpatupad ng toll sa EDSA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Kamakailan kasi ay ipinanukala ng isang transportation consultant ang implementasyon ng  toll o electronic road pricing sa  main thoroughfare.   “Wala pong ganoong initiative sa pamahalaan ni Presidente Duterte. Kung meron man, sa ibang presidente […]

  • Sobrang saya sa billboards nila ni Gela: SYLVIA, forever grateful and thankful sa Kapamilya Network

    FOREVER grateful and thankful ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya Network, ang kanyang mother studio simula pa noong 1997.     Sa kanyang Instagram post, kasama ang photos nila ng asawang si Papa Art Atayde, ang magkasintahan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ang mga larawan ay makikitang kuha sa rooftop […]