Fernando, nagpaalala na umiwas sa paglusong sa baha na posibleng magdala ng Leptospirosis
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Bukod sa COVID-19 at Dengue, mariing ipinaalala ni Gob. Daniel R. Fernando sa publiko na iwasan ang paglangoy, paliligo at paglusong sa baha o gumamit ng proteksyon kung hindi maiiwasang ma-expose sa tubig na posibleng kontaminado ng Leptospirosis.
“Lahat ng sakit na meron tayong magagawa talaga para maiwasan, iwasan na po natin, kagaya ng Leptospirosis. Kasi dito may laban tayo, alam natin ang gagawin, alam natin ang source. ‘Yun pong sa umpisa simpleng pag-iwas, gamutan kapag hindi natin sinunod, minsan buhay ang kabayaran. Mahal po itong singil, ayaw po nating makitang nasasayang ang buhay ng mga Bulakenyo,” ani Fernando.
Ayon sa Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Heath, may kabuuang 11 na pinaghihinalaang kaso ng Leptospirosis sa lalawigan ngunit walang naitalang namatay mula Enero hanggang Hulyo 2021.
Anila, patuloy silang nagsasagawa ng pinaigting na health education at nagkakaloob ng prophylactic treatment (Doxycycline) sa mga maaaring kapitan ng sakit na ito tulad ng mga nakatira sa binabahang mga lugar, rumeresponde sa emergency at mga pulis.
“Currently, we have distributed 59,400 capsules of Doxycycline in 13 LGUs. Though mababa ang kaso, hindi tayo nagpapabaya para hindi na dumagdag pa sa problemang pangkalusugan ng mga Bulakenyo, at para maiwasan na rin ‘yung pangangailangan na magpunta pa sa mga ospital,” pahayag ni Dr. Jocelyn Gomez, provincial health officer.
Bukod dito, pinapayuhan din ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko na limasin ang mga tubig na posibleng nakontamina at alisin ang mga daga sa pamamagitan ng paglason sa mga ito o paglalagay ng trap at pagpapanatili ng kalinisan sa bahay.
Ang Leptospirosis ay isang sakit na nakakaapekto sa mga tao at hayop sanhi ng Leptospira. Sa tao, maaari itong magpakita ng sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo, pamumula ng mata at kung hindi magamot ay maaring magdulot ng sakit sa bato, meningitis, sakit sa atay at kamatayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball
Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA. Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round. Ito ang […]
-
Binata kulong sa marijuana
KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas. Ayon kay Station Drug […]
-
EJ Obiena patuloy sa pamamayagpag sa Europa, wagi na naman
PATULOY sa kanyang pamamayagpag si EJ Obiena sa Europo at sa pagkakataong ito ay panalo na naman siya sa torneyo sa 2022 Golden Fly Series Liechtenstein. Ito ay makaraang mamayani ang dating Pinoy Olympian sa men’s pole vault nang malampasan niya ang 5.71 meters upang talunin ang lima pang mga kalaban. […]