• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIFA ikinalungkot ang nangyaring riot sa football match sa Indonesia

ITINUTURING  ng football governing body na FIFA na isang nakakalungkot sa mundo ng soccer ang nangyaring kaguluhan sa isang football game sa Indonesia na ikinasawi ng 125 katao.

 

 

Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado ng matalo ang Arema Football Club sa Persebaya Surabaya sa East Java kung saan dahil sa kapikunan ay nagpanggabot ang mga fans.

 

 

Napilitan ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas para masawata ang kaguluhan.

 

 

Sinabi ni FIFA president Gianni Infantino na nasa state of shock ang mundo ng football.

 

 

Ang nasabing insidente ay maaari sanang mapigilan subalit hindi na ito nakontrol ng mga otoridad.

 

 

Kinondina nito ang mga kapulisan na gumamit ng tear gas sa mga fans.

 

 

Nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.

 

 

Ilang mga football clubs at teams ang nagulat at nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.

 

 

Pinangungunahan ito ng Asian Football Confederation, La Liga, Spanish Football Federations at ilang clubs sa Premier League.

Other News
  • Suplay ng bilihin sa NCR-Plus sapat pa – DTI

    Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin.     Ito ay matapos na ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya.     Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital […]

  • Sanggol itinapon sa basurahan

    Isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. Poblacion, Biñan City kamakalawa ng madaling araw.   Nadiskubre ng basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 […]

  • Pacquiao tuloy lang sa ensayo

    Tuluy-tuloy lang ang puspusang training camp si People’s Champion Manny Pacquiao sa kabila ng mga isyung pulitikal nito sa Maynila.     Napaulat na tinanggal ito bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pili­pino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa ginanap na national assembly ng partido noong Sabado ng gabi sa Clark, Pampanga.     Ipinalit sa kanyang puwesto […]