• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Filipinas nabigo sa Thailand 1-0, nasa pangalawang puwesto ng Group A

NABIGO  ang Philippine national women’s football team na Filipinas sa kamay ng Thailand 1-0 sa 2022 AFF Women’s Championship.

 

 

Dahil dito ay nasa pangalawang puwesto na lamang ang Filipinas sa Group A at nasang unang puwesto ang Thailand sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.

 

 

Tiyak na rin ang Filipinas sa semifilnals na makakaharap ang mga top teams ng Group B sa pagitan ng Vietnam o Myanmar.

 

 

Gaganapin din ang semifinal rounds sa darating na Hulyo 15.

 

 

No.1 NBA pick Paolo Bancherro pinatigil muna ng Orlando Magic sa summer league matapos ang 2 impresibong games

 

 

Pinatigil na muna ng Orlando Magic ang pagsali ng kanilang No. 1 pick na si Paolo Bancherro sa ginaganap na summer league.

 

 

Ang pag-pull out kay Bancherro ay kasunod na rin ng dalawang impresibo nitong laro.

 

 

Nagdesisyon ang Magic na pagpahingahin na si Bancherro makaraang mag-average ng 20 points, 6 assists at 5 rebounds sa dalawang games sa La Vegas.

 

 

Sa ngayon nais ng koponan na bigyan din ng tiyansa ang iba pa nilang players na patunayan din na magpakitang gila

 

 

Para naman kay Bancherro kontento na rin siya sa kanyang inilaro kahit panandalian lamang.

Other News
  • Gobyerno, kailangan na matutong harapin ang AI —PBBM

    SA KABILA ng  ginawang pag-amin ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na ang artificial intelligence (AI) ay “disconcerting,” sinabi ng Chief Executive na makatutulong ito sa modernong panahon.     Sinabi ng Pangulo na kailangang matuto ang gobyerno kung paano ito haharapin lalo pa’t  inilunsad ng administrasyon ang media information literacy campaign na naglalayong  gabayan ang […]

  • Utang lolobo sa panukalang Maharlika Investment Fund – Pimentel

    NANINIWALA  si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na magdulot lamang ng maraming utang sa bansa ang legasiya na proposed Maharlika Investment Fund.     Ginawa ni Pimentel ang pahayag taliwas sa pahayag ni National Treasurer Rosalia De Leon na ang kontrobersyal na pondo ay makakabawas sa utang ng bansa.     Aniya, sa […]

  • Valenzuela nagbigay ng P4-milyon ayuda sa Isabela at Cagayan

    Matapos magpaabot ng P6-milyong tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly, nagbigay naman ang VC Cares Plus Program ng Lungsod ng Valenzuela ng P4-milyon tulong financial assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.   Sa ipinasa ng 8th City Council ng City Government ng Valenzuela na Resolution No. 1882, […]