• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fingerprints nina Alice Guo, Guo Hua Ping pareho – NBI

“WALANG sikretong hindi nabubunyag!”

 

 

Ito ang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na magkatugma ang fingerprints nina Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping.

 

 

“Ibig sabihin, they are the fingerprints of one & the same person,” ani Hontiveros.

 

 

Kumpirmado na aniya na isang pekeng Pilipino si Guo.

 

 

“Kinukumpirma nito ang pinaghihinalaan ko sa lahat ng panahon. Pekeng Pilipino si “Mayor Alice” — or should I say, Guo Hua Ping. Siya ay isang Chinese national na nagbabalatkayo bilang Filipino citizen para mapadali ang mga krimen na ginagawa ng POGO,” ani Hontiveros.

 

 

Napakalaking insulto aniya ito sa mga botante ng Bamban, sa mga institusyon ng gobyerno, at sa bawat mamamayang Pilipino.

 

 

Ito na aniya ang pinakamabigat na ebidensya para palayasin na sa pwesto si Guo.

 

 

“Salamat sa NBI sa pamumuno ni Dir. Jaime Santiago sa mabilis nilang pagkilos. Nananawagan ako sa Opisina ng Solicitor General na bilisan ang pagsasampa nito ng quo warranto case laban sa kanya. Dapat mapanagot siya sa lahat ng krimen na ginawa niya at ng kanyang POGO hub,” ani Hontiveros.

 

 

“Ang paghahayag na ito ay hindi ang wakas. Guo Hua Ping, sa lalong madaling panahon, malalaman namin ang buong lawak ng iyong panlilinlang. Magpapatuloy ang aming imbestigasyon sa Senado. Maghuhukay tayo ng mas malalim at hahanapin ang mga sistematikong ugat ng ating problema sa POGO,” dagdag ni Hontiveros. (Daris Jose)

Other News
  • Foreign trainer Milan Isakov tinapik ng Chooks 3×3 squad

    Matindi ang pagnanais ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na maabot ang bagong kasaysayan kaya gagawin ang lahat para sa nalalapit na 2023 FIBA 3×3 season na napakahalaga sa kwalipikasyon sa parehong 2024 Paris Olympics at sa Olympic Qualifying Tournament.   Kaya naman kinuha nito ang Liman head trainer na si Milan Isakov para tulungan ang Chooks-to-Go […]

  • Philippine team nakahanda na para opening ceremony ng Paris Olympics

    PLANTSADO na ng Philippine Team ang kanilang gagawing pag-martsa para sa opening ceremony ng Paris Olympics.         Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na pangungunahan nina Pinoy boxer Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang parada kasama ang 16 na ibang mga atleta.       Hindi makakasama si […]

  • Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust

    HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa […]