Fireworks pumawi sa lumbay sa halos bakanteng Olympic Stadium sa closing ng 2020 Summer Games
- Published on August 11, 2021
- by @peoplesbalita
Katulad nang binuksan ang 2020 Tokyo Olympics, halos bakante rin ang stadium na pinasukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang kalahok na bansa para sa pagtatapos ng Summer Games.
Ito ay dahil nilimitahan pa rin ang mga pinapapasok sa Olympic Stadium bunsod ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Gayunman, pumawi sa tila nakakapanibagong eksana na ito sa Olympics ang inihandang puti at gintong fireworks sa Olympic Stadium para sa pagtatapos ng Summer Games.
Ang stage ay hindi rin halos punong-puno kahit pa nagmartsa papunta rito ang mga atleta bitbit ang kani-kanilang national flags at nagtipon-tipon sa isang malaking bilog.
Marami kasi sa mga atleta ay umalis na ng Tokyo at hindi na nakadalo pa sa event ngayong Linggo sapagkat 48 oras makalipas ang kanilang final competition ay kailangan nang umuwi ng mga ito sa kanikanilang mga bansa.
Magugunita na ang Tokyo Olympics ay para sana ipakita ang pagbangon ng Kapan mula sa mapinsalang malakas na lindol, tsunami at nuclear crisis noong 2011.
Makalipas na ipinagpaliban ng isang taon, sinabi ng mga organisers na ang Summer Games na ito ay magsisilbing simbolo nang pagsusumikap ng buong mundo na makabangon sa epekto naman ng COVID-19 pandemic.
-
P70M sa COVID-19 funds napunta sa ‘ineligible’ beneficiaries-COA
TINATAYANG P70 milyong piso ng COVID-19 response funds ng gobyerno ang hindi napunta sa mga eligible beneficiary. Ito ang nakasaad sa ilalim ng Performance Audit Report sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Commission on Audit (COA), isang government program na nagbibigay ng financial support sa mga apektadong manggagawa sa panahon ng pandemya. […]
-
Face shield hindi na mandatory sa mga pampublikong transportasyon
Pinagbigay alam ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampulikong transportasyon tulad ng public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), Metro Rail Transit 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2, at Philippine National Railways (PNR). Sa ilalim ng Alert Level 3 […]
-
Mga naliliitan sa P1k ayuda ng gobyerno na, pinatulan ng Malakanyang
TILA ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance […]