• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time na magkasama sa isang project: DONNY, naging dahilan para pumayag bumalik sa pelikula si MARICEL

MAGKASAMA sa unang pagkakataon sa isang proyekto ang mag-ina na sina Maricel Laxa at Donny Pangilinan. 
Sa pelikulang ‘GG’ (Good Game) ng Mediaworks Inc., Cignal Entertainment at Create Cinema.
Piling-pili lang ang mga proyektong tinatanggap at ginagawa ni Maricel.  At nang matanong nga ito sa naging mediacon ng GG, ang mga anak ang itinurong dahilan kung bakit siya napapayag itong gawin.
“I think, this is product of obeying your children,” natatawang sabi ni Maricel.
“Kasi, sila naman ang nagpilit sa akin na bumalik sa pelikula.  Akala ko, wala na talaga sa sistema ko ang showbiz.
“Pero, once an actor will always be an actor, I guess.   It was very special in my heart, so, here I am,” nakangiti pa rin niyang turan.
Bukod kay Donny na siyang bida ng pelikula, ang anak na si Hannah Pangilinan naman ang Executive Creative.
Natawa si Donny sa sagot ng ina nang tanungin ito kung kumusta ang naging working relationship nila.
Sabi kasi ni Maricel, “Well, basta lang sumusunod ako kanila, walang problema.
“Ibig sabihin kasi, maayos ko naman siguro silang pinalaki.  And they’re experts on their field.  So, respeto na lang ang maibibigay ko.”
Ayon pa kay Maricel pagdating sa kanilang mga ginagampanang karakter, “Magkaibang-magkaiba sa totoong buhay. So, makikita niyo ang mga bagay na kailangan naming mag-adjust.  We’re not portraying ourselves.
“Bagamat mag-nanay, hindi kami ‘yon.”
Ipinagmamalaki naman ni Maricel kung gaano kalaki ang paniniwala ng anak sa pelikulang GG.  Malaki rin daw ang naging investment nito.
“Donny believes in this movie so much that he’s a major investor and stakeholder of this film.  He has been part of it from beginning to end and it continues to be part of it whether it is behind-the-scenes or with the cast, crew, every single detail, he’s part of.
“And I’m very proud to be part of this film because his whole heart and soul in it.”
 Ang GG ay isang barkada sport drama movie na ang goal ay maipakita ang landscape ng Filipino esports. Maipakita rin na kahit madalas, may negatibong konotasyon ang larong ito, ang gaming ay pwedeng maging daan din para mas maging malalim at matatag pa ang relasyon ng isang pamilya at friendly competition din.
***
TINANONG namin si Andrea Torres kung ano ang ‘what if’ niya sa mga naging relasyon.
Pero sabi niya, “Wala akong what if… kasi, feeling ko lahat may reason talaga,” nakangiting sabi niya.
“Light lang ako magdala ng mga nangyayari sa buhay ko.  Hindi ko iniisip masyado yung mga gano’ng bagay.  Basta go with the flow lang ako.
“Happy lang always.”
Si Andrea ang tila ‘kontrabida’ sa ‘Love Before Sunrise,’ ang bagong GMA primetime series na pagtatambalan nina Bea at Dennis Trillo at mapapanood na simula ngayong Lunes sa GMA Primetime. At aminado itong kinabahan siya.
“For me, special ‘to, kasi unang-una—kanina nga, nagko-compare notes na kami ni Sid (Lucero) habang ini-interview si Bea at saka si Dennis. Kasi, si Dennis, Sid at ako, kami ‘yong tatlong kabang-kaba na pumunta sa set.
“Pressured na pressured kami kay Bea,” natawang pag-amin ni Andrea sa ginanap na mediacon ng ‘Love Before Sunrise’ sa SM Megamall Cinema 2.
Nang malaman pa lang daw niya na Kapuso na si Bea, talagang pinangarap na niya na makasama niya ito sa isang proyekto.
Sabi pa ni Andrea, “Talagang noong lumipat siya sa GMA, talagang winish ko na maka-work siya.  Si Dennis, sa mga interview ko before, talagang palagi ko naman siyang binabanggit na gusto ko siyang maka-trabaho.  So, third time na namin.
“Itong si Sid, nagbabalik after ‘Millionaire’s Wife’ so, grabe talaga. Grabe silang maka-trabaho. Kita mo yung dedication and ang ganda na dini-discuss yung scene bago i-atake, also with Direk.”
Ang director ng Love Before Sunrise ay si Mark Sicat Dela Cruz.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Jeepney phase out deadline pinalawig hanggang Dec. 31

    PINALAWIG  ng pamahalaan ang deadline ng phase out ng mga traditional jeepneys sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program hanggang katapusan ng taon.       Ito ang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ni chairman Teofilo Guadiz kung saan niya sinabi na magkakaron ng pagkakaantala ang consolidation ng […]

  • Tinamaan ng Omicron, may proteksiyon na vs iba pang COVID-19 variant

    May benepisyong maidudulot ang Omicron COVID-19 variant sa mga tinamaan nito at nakaligtas dahil magsisilbi itong ‘natural vaccine’, ayon sa isang molecular biologist.     Sinabi ni Father Nicanor Austriaco, isang Filipino-American Catholic priest na isa ring molecular biologist sa GoNegosyo Town Hall meeting nitong Miyerkules, ang mga nakarekober sa impeksyon sa Omicron ay magkakaroon […]

  • Simona Halep pasok na sa semifinals ng Wimbledon

    PASOK na sa semifinals round ng Wimbledon si Simona Halep matapos ma-sweep si Amanda Anisimova.     Hindi na pinaporma pa ng Romanian tennis ang American player sa score na 6-2, 6-4.     Sa unang set ay hawak pa ni Anisimova ang kalamangan 0-4 hanggang ito ay tuluyang mahabol ni Halep at tapusin ang […]