First time niyang makatrabaho sa ‘Start-Up PH’: YASMIEN, inakalang seryosong tao si ALDEN kaya ‘di in-expect ang pagiging bubbly
- Published on September 1, 2022
- by @peoplesbalita
KINUWENTO ni Zoren Legaspi na kakaiba ang naging bond ng buong cast and crew ng ‘Apoy Sa Langit’ sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.
Bihira raw kasi si Direk Laurice na mag-open up sa mga nakakatrabaho niya sa anumang proyekto, pero iba raw ang naramdaman nito sa cast and crew ng ‘Apoy Sa Langit.’
“Everyone was very patient, very cooperative. I worked on several teleseryes in the past, pero very special itong Apoy Sa Langit. Nakakatuwa lang makatrabaho ang mga taong ito. We all worked harmoniously together despite the many technical problems na hindi alam ng mga manonood. It was just a happy set and I will miss working with them,” sey ni Direk Laurice.
Sey naman ni Zoren: “Na-attach kami kay Direk Laurice, because si Direk Laurice, she showed us something na hindi niya ipinapakita sa ibang shows, at nakita namin ‘yun sa kanya.
“Lahat kasi ng mga naiisip namin for the scene, kinukunsulta namin sa A.D. (Assistant Director) at kay Direk Laurice. Kapag nagustuhan nila, ginagawa namin pero mas susundin namin ang gusto ni Direk Laurice. Kaya lagi kaming may communication with her.
“Kaming mga cast, hanggang ngayon hindi pa kami maka-move on dahil very attached kami, hindi lang sa isa’t isa kung hindi sa show na rin mismo. We had a great run, it’s a great show, maraming natuwa.
“It’s not just going to end na parang mawawala lang ‘yung show. Kung nag-enjoy sila in the beginning, in the middle, mas mageenjoy sila dito sa huli ’cause its going to end with a big bang, fire works!”
***
FIRST time na makatrabaho ni Yasmien Kurdi si Alden Richards sa upcoming teleserye ng GMA na ‘Start-Up PH.’
Akala niya ay seryosong tao si Alden dahil sa mga napapanood niyang mga interviews nito.
Pero laking nagulat siya na palabiro rin pala si Alden sa totoong buhay. Sa taping nila ay kapag wala ito sa harap ng kamera, masayahin ito at parang bata kung magbiro sa lahat ng tao sa set.
“Yung impression ko sa kanya before parang masyado siyang serious sa mga interviews. Pero actually kapag naka-work mo siya sobrang kuwela pala niyang tao.
“Siya yung nagpapa-lighten up nung set, siya yung magalaw sa set. So hindi ko ini-expect kay Alden na ganun siya ka-bubbly,” sey ni Yasmien.
Ikinatuwa nga ni Yasmien nang isama siya sa cast ng ‘Start-Up PH’. Isa kasing certified K-drama addict si Yasmien at isa sa naging paborito niyang panoorin ang Korean series na ‘Start-Up’ kaya kilala niya ang lahat ng characters, lalo na ang binigay na character sa kanya na si Seo In-jae na sa Philippine adaptation ay si Katrina Diaz.
“Before pa talaga ako mahilig manood ng K-drama. Actually K-drama addict talaga ako. Pre-pandemic pa ginagawa ko na ‘yan.
“Usually before nagbi-binge watching ako by myself lalo na kapag nasa work ako, wala akong magawa nanonood ako ng mga K-drama. Pero nung pandemic si pangga (mister ni Yasmien na si Rey) walang choice kundi kailangan niyang siya nagbi-binge ako yung nagwa-watch nung time ng pandemic.
“Kaya nung inoffer sa yung show alam ko yung character ko…talagang kinuha ko siya,” sey pa ni Yasmien.
***
NA-DROP na ang single na collaboration nina Britney Spears at Elton John na may titulong “Hold Me Closer.”
Ito ang muling pagbabalik ni Britney sa recording studio pagkaraan ng anim na taon. Ang Hold Me Closer ay pinaghalong songs ni Elton na “Tiny Dancer” at “The One”. Agad na nag-number one ang single sa maraming bansa.
Dahil deleted na ang Instagram account ni Britney, sa Twitter nagpadala ng video message ang singer para kay Elton para ipaalam ang success ng collab nila.
Tweet ni Britney: “Hello Sir Elton John, We are like No. 1 in 40 countries. Holy Shit… and I’m about to have the best day ever and I hope you’re well.”
Si Elton naman ang nagkaroon ng livestream sa Instagram para sa impromptu listening party sa isang restaurant sa Cannes para sa launch ng Hold Me Closer.
Sa mga sumunod na tweets ni Britney, sinabi nito na pinili niya ang happiness kaya maayos ang takbo na ng buhay niya.
“Okie dokie … my first song in 6 years!!!! It’s pretty damn cool that I’m singing with one of the most classic men of our time … @eltonofficial!!!! I’m kinda overwhelmed… it’s a big deal to me!!! I’m meditating more and learning my space is valuable and precious !!!
“I’m learning everyday is a clean slate to try and be a better person and do what makes me happy … yes I choose happiness today. I tell myself every day to let go of the hurt bitterness and try to forgive myself and others to what may have been hurtful. I want to be fearless like when I was younger and not be so scared and fearful. I pray there actually is truth to the Holy Spirit and I hope that spirit is with my children as well !!! Yes … I choose happiness and joy today!!!?”
(RUEL J. MENDOZA)
-
FREE ANTI RABIES VACCINE HANDOG NG ALPHA KAPPA RHO – KAPPA RHO COMMUNITY CHAPTER
FREE ANTI RABIES VACCINE HANDOG NG ALPHA KAPPA RHO – KAPPA RHO COMMUNITY CHAPTER sa RMS Ville, Brgy. Gen. Tiburcio De Leon, Valenzuela City. Sa pangunguna ni Grand Skeptron Carl Dacasin at ang kanyang Chapter Founder na si Roi Miguel Alabastro at sa kooperasyon ng ANGKOP – Ang Animal Ko Protektado at ni Doc […]
-
Bigtime rollback sa LPG, petrolyo asahan sa Marso
ISANG malakihang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang inaasahan sa Marso 1 (Linggo), ayon sa grupong LPG Marketers’ Association (LPGMA). Tinatayang maglalaro sa P2 hanggang P4 kada kilo ang rollback o P22 hanggang P44 bawas sa karaniwang tig-11 kilong tangke. Sa Sabado pa lalabas ang final na contract price ng cooking gas, […]
-
Torralba masasandalan sa opensa, sa depensa
Hindi lang sa open sa pambato si Joshua Torralba kundi sa depensa rin pagdating sa isang larong basketbol. Kabilang ang 27 anyos at may taas na 6-2 swingman sa 97 aspirante sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa Marso 14 at dumadalanging matapik upang makakayod sa 46th PBA Philippine Cup […]