• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigtime rollback sa LPG, petrolyo asahan sa Marso

ISANG malakihang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang inaasahan sa Marso 1 (Linggo), ayon sa grupong LPG Marketers’ Association (LPGMA).

 

Tinatayang maglalaro sa P2 hanggang P4 kada kilo ang rollback o P22 hanggang P44 bawas sa karaniwang tig-11 kilong tangke.

 

Sa Sabado pa lalabas ang final na contract price ng cooking gas, dagdag ng LPGMA.

 

Samantala, may namumuro ring rollback sa presyo ng iba pang mga produktong petrolyo kasunod ng oil price hike noong Martes. Sa unang 3 araw kasi ng bentahan sa world market, nagkaroon na ng mga bawas sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene.

 

Paliwanag ng industry sources, Coronavirus Disease 2019 (COVID-2019) pa rin ang dahilan ng muling pagbaba ng presyo ng langis.

 

Lalo raw bababa ang presyo kapag idineklara ng World Health Organization ang “pandemic level” sa COVID-2019.

Other News
  • Patuloy na pinupuri sa mahusay na pag-arte: BARBIE, grateful na part ng important milestone sa GMA Primetime

    MARAMING natuwa nang si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang naging cover ng Cosmopolitan PH magazine this month.      May caption ito na: “Independent, passionate and fearless. – Barbie Forteza is a Modern Filipina that the next generation can relate.     “Barbie earned her star the old school way for 13 years – […]

  • Ads February 29, 2020

  • COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500

    TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.   Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.   Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) […]