Floating solar project ng Australian firm, makalilikha ng trabaho at mas malinis na industriya-PBBM
- Published on March 7, 2024
- by @peoplesbalita
MAKALILIKHA ng trabaho para sa mga Filipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong nya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito.
“With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs and cleaner industries,” ayon kay Pangulong Marcos.
Aniya pa, ang inayos na business setting sa bansa ay magreresulta ng mas mabuti at mahusay na renewable energy system.
“Our green lanes and improved business environment pave the way for more initiatives like this to thrive and contribute to our nation’s renewable energy goals,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Macquamarie group managing director at CEO Shemara Wikramanayake na ‘excited’ na siya na talakayin ang investment bank sa Pilipinas.
“The whole digitization process, we’re excited about. Also, the energy transition we’re excited about … we certainly invest in digitization and we invest in energy transition and in mining and building bigger advisory business,” anito.
Winika ni Wikramanayake na interesado sila na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa demographic profile nito para sa pagkakaroon ng “a young and growing population.”
“What we’re keen to do is to partner with Southeast Asia particularly with places like the Philippines, which are proving to be very good to create that environment for the pension savers money here. To bring capital to health, investing in infrastructure, etcetera,” lahad nito.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang nasabing kompanya sa interest nito na mamuhunan sa Pilipinas, binigyang diin na malaking tulong ang mga ito para sa pag-unlad ng Pilipinas lalo na sa aspeto ng digitalization process hindi lamang para sa mga investors, kundi maging sa mga lokal.
“We somehow have fallen behind in that regard, and we’re trying to catch-up. Digitization is a very important part of ease of doing business not just for investors, but for locals in their dealings with the government,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19
Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama. Hindi naman daw inilagay sa ventilator […]
-
TRAILER FOR DC SUPER HERO FILM “BLACK ADAM” ARRIVES WITH A BANG
THE world needed a hero, it got Black Adam. From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”). Check out the […]
-
P55-M halaga ng shabu nasabat ng PNP DEG; 2 drug couriers arestado
Nasa P55-million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng tauhan ng PNP Drug Endforcement Group (DEG) sa dalawang drug couriers sa ikinasang buy-bust operation sa Paranaque City noong, December 5,2020. Ang dalawa ang nasa likod sa pag-transport ng mga iligal na droga mula Metro Manila patungong Mindanao. Kinilala ni PNP DEG Director BGen. […]