• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Folayang, talo na naman hindi umubra sa Chinese fighter

Nabigo si Eduard “Landslide” Folayang sa kamay ng Chinese fighter na si Zhang “The Warrior” Lipeng sa pamamagitan ng unanimous decision sa ONE: BattleGround II na ginanap sa Singapore.

 

 

Sa unang round pa lamang ay umarangkada ang Chinese fighter kung saan na-trap pa nito si Folayang sa pamamagitan ng leg scissor bukod pa sa pagpapaulan ng mga magkakasunod na suntok.

 

 

Bahagyang nakabawi si Folayang sa mga sumunod na rounds subalit tinamaan ito ng solid left kick ng Zhang na tumama sa kaniyang mukha.

 

 

Ito na ang pang-apat na magkakasunod na pagkatalo ng 37-anyos na Team Lakay fighter.

 

 

Dahil dito ay mayroon na siyang record na 22 panalo at 12 talo habang ang Chinese fighter ay mayroon ng 31 panalo, 11 talo at dalawang draw.

Other News
  • Kawani ng PSC na dawit sa daya-sahod kinasuhan

    NABUKING ng Department of Justice  (DoJ) ang mga dahilan para sa reklamo na isinampa ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating kawani na sangkot sa payroll padding scheme sa nakalipas na taon.   Sa may 23-pahinang resolusyon na nilagdaan nitong isang araw nina Assistant State Prosecutor Moises Acayan, […]

  • Ads October 12, 2021

  • Kalayaan College sa QC nagsara na rin dahil sa kalugian dala ng pandemya

    NAG-ANUNSIYO kahapon ang Kalayaan College na nasa Quezon City upang ipaalam ang tuluyan na rin nilang pagsasara.     Sa abiso ng naturang kolehiyo ipinaabot nila ang kadahilanan ng pagtigil na ng operasyon ay bunsod ng patuloy umanong kalugian na pinatindi pa ng pandemya.     Ang naturang kolehiyo ay una na ring itinatag noong […]