Food stamp program, balak ibalik ng DSWD
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
PLANO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng maraming mahihirap na Pinoy.
Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may 3 milyong pamilya ay nakakaranas ng kagutuman.
Aniya, ang problema sa kahirapan ay hindi mabilis masolosyunan pero ang pagkalam ng sikmura dulot ng pagkagutom ay mabilis na maresolba sa pamamagitan ng pagkakaloob ng makakain sa hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino.
Sinabi nito na kinakausap na niya ang mga undersecretaries ng DSWD para sa posibleng pagbabalik ng food stamp program sa koordinasyon ng pribadong sektor para matamo ang tagumpay ng naturang programa.
Ayon pa kay Gatchalian, itutuloy niya ang ipinatutupad na digitalization sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan na unang ginawa ni dating DSWD secretary Erwin Tulfo.
-
2 pushers kulong sa baril at shabu
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher). […]
-
Ads March 13, 2021
-
ANDREA, naniniwala na kailangang i-maintain ang ‘well-balanced and healthy lifestyle’; honored na napiling endorser ng Beautéderm
SA last quarter ng 2021, may pasabog na naman ang patuloy na nangunguna na Beautéderm Corporation at pinagsisigawan na ‘take charge of your health’. Sa pamamagitan ito ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters, na isang essential line ng mga health supplements na ine-endorse ng newest ambassador na si Andrea Brillantes. […]