• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Football legend Diego Maradona pumanaw na, 60

Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60.

 

Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder.

 

Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.

 

Naging team captain si Maradona ng Argentina Football Club ng makuha nila ang 1986 World Cup title.

 

Mayroong kabuuang 34 goals sa 91 na laro ito sa Argentina at nakasama siya sa apat na World Cups.

 

Sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan ay naging cocaine addict ito kaya na-ban ng 15 buwan matapos na magpositibo sa droga noong 1991.

 

Taong 1997 ng magretiro ito sa professional football kasabay ng kaniyang 37th birthday.

 

Naging abala na ito sa pag-manage ng ilang mga football team ng United Arab Emirates at Mexico at siya ang kasalukuyang manager ng Gimnasia y Esgrima ng Argentina bago ito pumanaw.

 

Nanguna naman ang Argentina Football Association sa nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng football great.

Other News
  • Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang importanteng pondohan ang family planning

    HALOS siyam sa 10 Filipino adults ang naniniwala na importanteng paglaanan ng gobyerno ng sapag na pondo ang modern methods ng family planning.     Batay sa lumabas na March 2022 Pulse Asia Survey, 88% ng respondents ang naniniwala na dapat maglaan ang pamahalaan ng pondo para sa modernong pamamaraan ng family planning, tulad ng […]

  • Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)

    ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.   Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.   Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya […]

  • QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras

    ISANG order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras.       Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]