• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Foreigners bawal na sa NCAA; Kobe Paras umalma

 Hindi na umano mababali ang desisyon ng NCAA na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng sports simula sa Season 96.

 

Ito ang nilinaw ni Management Committee chair Fr. Vic Calvo ng host Letran kaugnay sa nabuong desisyon.

 

Agad namang bumuhos ang sentimiyento ng publiko sa social media at sinabing napakalupit ng desisyon at hindi na angkop sa panahon ngayon.

 

Umalma rin si University of the Philippines (UP) star Kobe Paras sa ginawang pagbabawal sa paglalaro ng foreign student athletes.

 

Maraming manlalaro rin ang nagpahayag ng kanilang galit sa social media habang ang iba naman ay pabor na alisin ang foreign-student athletes sa palaro upang mabigyan pagkakataon ang mga malalaking local players na kuminang.

 

Para kay dating Letran Knight at 1999 NCAA MVP Kerby Raymundo, maganda ang naging desisyon dahil naniniwala itong inaagaw ng foreign student-athletes ang oportunidad na para sa mga Pinoy.

 

“Good news ito! Kinain nila playing time ng Locals, When locals play, they make mistakes, they learned from their mistakes, next game they play better. 3 years later they improved a lot. They’re ready to play in PBA,” tweet ni Reymundo.

 

Naniniwala ang mga nasa likod ng pagpapalit ng rules na maganda ito para sa Philippines sports at tinawag pa nila ang mga  imports na mercenaries.

Other News
  • GAL GADOT, napiling maging bida sa biological drama na ‘Cleopatra’

    Ang Wonder Woman star na si Gal Gadot ang napiling magbida sa biological drama na Cleopatra.   Huling naisapelikula ang epic film na Cleopatra ay noong 1963 at pinagbidahan ito ni Elizabeth Taylor. Sa bagong version, hahawakan ito ng Wonder Woman director na si Patty Jenkins.   Pero nasa planning stage pa raw ang Cleopatra […]

  • ONLINE SELLER TIMBOG SA BARIL

    KULONG ang 27-anyos na online seller matapos magpakilalang pulis at makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang masita ng mga tunay na pulis sa checkpoint sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, maliban sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, mahaharap din si Persius Corrales […]

  • SINOVAC, isinama na ng WHO sa Emergency Use Listing

    MASAYANG ibinalita ng Malakanyang ang naging hakbang ng World Health Organization (WHO) na isama sa emergency use listing ang Sinovac.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makatutulong aniya ang hakbang na ito ng WHO para mapalakas ang kumpiyansa sa bakuna.   “Nagagalak po ako sa balitang ‘yan dahil ‘yan po ay siguradong makakaboost ng […]