• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Fruitful talks” kay Pres. Xi, Iniulat ni PBBM

INIULAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabunga at produktibong  bilateral meeting nito kay Chinese President Xi Jinping sa  Beijing.

 

 

Ang nasabing miting ay nakatuon sa  “soft infrastructure, climate change, renewable energy, people-to-people ties at agricultural cooperation na kinabibilangan ng tinatawag na  “durian protocol.”

 

 

“It has been a very wide-ranging discussion… the meeting ran very long, and that’s why I’m actually very optimistic because President Xi seemed to be genuinely interested in all of these issues and finding a way to move forward to again strengthen the relationship between China and the Philippines. I’m quite gratified that we had made a good start,” ang wika ni Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

Naging mahaba, matagal at detalyado naman ang naging pag-uusap ng mga Asian leaders ukol sa  climate change, inilarawan ni Pangulong Marcos bilang  “a subject that we cannot leave alone or it will come back to haunt us in the future.”

 

 

Ayon sa Pangulo, mayroon din aniyang nag-aalok ng tinatawag na “soft infrastructure” pagdating sa aspeto ng  digitalisasyon sa  government bureaucracy at pagpapabuti sa  connectivity sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“We had a very fruitful exchange of ideas and beginnings of a plan for moving forward… And we covered so many subjects, much more than as usual for these very formal meetings. We talked about the trade imbalance between our country and China and what we can do to remedy this,” ayon sa Pangulo.

 

 

Nagbunga rin aniya ang naturang pagpupulong ng  “durian protocol,” nagtapos sa isang kasunduan para sa page-export ng  durian sa  China.

 

 

Kapwa naman sumang-ayon ang Maynila at Beijing sa isang “protocol of phytosanitary requirements” para sa pag-  export ng  fresh durian mula Pilipinas patungong China sa pagitan ng  Department of Agriculture (DA) at General Administration of Customs ng China.

 

 

“Because they are opening their trade to imports of durian and other agricultural products from the Philippines so that we can redress the imbalance in our imports and exports from China,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Pinag-uusapan din ng dalawang lider kung ano ang kanilang gagawin para  “to move forward, to avoid any possible mistakes, misunderstandings that could trigger a bigger problem than what we already have.”

 

 

“And I was very clear in trying to talk about the plight of our fishermen. And the President (Xi) promised that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial, so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Binanggit din ng Punong Ehekutibo ang naging pagpulong nila ni Chinese Premier Li Kequiang at  National Congress of the People’s Republic of China chairman Li Zhanshu.

 

 

“I met with the Premier, Premier Li, who I had met before in Cambodia. And we continued the discussions that we began there, which were essentially about the strengthening again of relationships between China and the Philippines,” ani Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • WALA PANG COVID 19 VACCINE MANUFACTURER NA NAG-AAPLY NG EMERGENCY USE AUTHORIZATION SA PILIPINAS- FDA

    HANGGANG ngayon ay wala pang COVID 19 vaccine manufacturer ang pormal na nag-a-apply ng Emergecy Use Authorization  o EUA sa Pilipinas.   Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Doctor Eric Domingo na bagama’t mayroon ng mga anti-COVID 19 vaccine na nabigyan ng EUA sa ibang bansa wala pang application sa FDA ng Pilipinas. […]

  • BIANCA, kinasal na kay RALPH WINTLE at winelcome ni IZA sa kanilang pamilya

    KINASAL na ang aktres na si Bianca King kay Ralph Wintle.     Si Ralph Wintle ay kapatid ng mister ni Iza Calzado na si Ben Wintle.     Dahil may pandemic pa at kailangan sumunod sa safety protocols, naganap ang wedding nila Bianca at Ralph sa living room ng bahay ng newly weds sa […]

  • Validators, ide-deploy para sa food stamp program-DSWD

    NAKATAKDANG mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo.     Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- […]