• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Full face to face classes ng public schools sa Nobyembre 2, tuloy – DepEd

TULOY pa rin ang pagpapatupad ng limang araw na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan simula Nobyembre 2 sa kabila ng pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19.

 

 

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, wala pa silang anumang amendments o pagbabago na ipinatutupad hinggil sa full implementation ng face-to-face classes.

 

 

Una nang ipinag-utos ng DepEd, sa ilalim ng Department Order (DO) No. 34 ang full implementation o limang araw na face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa simula Nobyembre 2.

 

 

Gayunman, nito lamang Lunes, inilabas ng DepEd ang DO No. 44, na nag-aamyenda sa DO No. 34, at nagpapahintulot sa mga pribadong paaralan na magdaos ng limang araw na face-to-face classes, blended learning modality, o full distance learning simula sa nasabing petsa.

 

 

Ang mga pampublikong paaralan naman ay kinakailangang magpatupad na ng full in-person classes.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Poa na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa DOH at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa monitoring ng health situation sa mga paaralan, lalo na ngayong nakapasok na sa bansa ang XBB at XBC variant.

 

 

Dagdag pa ni Poa, ipinauubaya ng DepEd sa mga local government units ang pagbibigay ng datos ng COVID infections sa mga paaralan, upang matiyak na accurate ang numero na isasapubliko, kasunod na rin ng mga ulat na may mga naitalang kaso sa ilang paaralan sa bansa.

Other News
  • ‘Face shield scam’ iniimbestigahan na

    Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.”   Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta.   Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa […]

  • MAXINE, nilinaw na ‘promise ring’ at ‘di ‘engagement ring’ ang niregalo ng non-showbiz boyfriend

    IN love ngayon si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa isang non-showbiz guy.     Ang name ng guy na nagpapasaya sa kanya ay Timmy Llana.     June 2020 nang i-reveal ni Maxine ang relasyon niya kay Timmy na isang diving instructor. Noong December 2020 nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary kunsaan binigyan […]

  • Pacquiao kontra Garcia konting kendeng na lang

    LUMALAKAS ang alingawngaw para sa napipintong banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos sa taong ito.     Mismong ang ama na si Henry Garcia ang atat na sagupain ng 22 taong-gulang, 5-10 ang taas at tubong California niyang […]