• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galvez, itinalagang Vaccine Czar ni PDu30

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si National Task Force (NTF) on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar ng bansa.

 

Si Pangulong Duterte mismo ang nag-anunsyo sa idinaos na televised meeting kasama ang mga key officials ng pamahalaan.

 

“Pagbili ng bakuna, the negotiation, manufacture, production, or distribution, binigay ko ‘yan kay Secretary Galvez. So only Secretary Galvez is authorized to negotiate or whatever. Isa lang,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Binigyang diin ng Chief Executive na nais niya ang ‘single line of authority’ pagdating sa pagbili ng inaasahan ng bakuna laban sa COVID-19.

 

“Ayaw ko ‘yang committee, committee. Matagal ‘yan. I have great faith in Charlie to really come up with the solutions for the problem,” dagdag na pahayag nito.

 

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga kay Galvez bilang vaccine czar.

 

Sa ulat, iminungkahi ni Senate Pro Tempore Ralph Recto sa Malacañang na magtalaga ng vaccine czar na titiyak sa access sa COVID-19 vaccine ng tinatayang 110-million na Pilipino oras na ito ay mailabas sa merkado.

 

Ayon kay Recto, reresolbahin ng vaccine czar ang mga hamon sa importation hanggang sa injection.

 

Batid kasi ng senador na marami nang mayayaman na bansa na pumopondo sa development ng vaccine ang unang makakakuha ng suplay.

 

Pwede rin aniya simulan ng vaccine czar ang pag-set up ng “supply-to-syringe cold chain” na may freezing temperatures para may mapaglagyan ang mga bakuna.

 

Matatandaan na sinabi ng Malacañang na maaaring magkaroon ng logistical challenge ang bansa sa distribusyon ng COVID-19 vaccine doses sa mga Pilipino oras na ito ay maging available. (Daris Jose)

Other News
  • Nakatagpo na rin ng makakasama habang buhay: LJ, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si PHILIP

    ENGAGED na ang dating Kapuso actress na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, ayon ito sa name na naka-tag sa kanyang Instagram at Facebook post.       Makikita nga ang series of photos sa proposal ng kanyang guwapong fiancé na kuha sa isang beach resort. Isa rito ang nakakikilig […]

  • Mock elections sa Disyembre 2021, tuloy pa rin – COMELEC

    Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi na maaaring iurong pa ang pagdaraos ng mock elections ngayong taon kaugnay sa 2022 national at local elections.     Sa isang online forum, sinabi ni COMELEC Dir. Teopisto Elnas ang pondo para sa mock elections ay para lamang sa ngayong taon.     Hindi na aniya […]

  • Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

    TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City.     Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer […]