• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Gameboys The Movie’, ipalalabas sa Japan sa January; inaayos na ang schedules nina KOKOY at ELIJAH para sa premiere night

IPALALABAS ang Gameboys The Movie sa Japan sa January at excited na si Direk Jun Lana sa pagpunta sa Land of the Rising Sun.    Magkakaroon ng premiere night ang movie sa Japan kaya inaayos din nina Direk Jun at Direk Perci Intalan na kasama sa Japan ang lead actors ng movie na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

 

 

Inaayos lang ang schedules nina Kokoy at Elijah dahil pareho silang maraming trabaho.    Siyempre ni-request ng mga Japan producers ng Gameboys The Movie ang presence ng dalawang sikat na actor ng phenomenal Pinoy BL series.

 

 

Kaya ang sabi ni Direk Jun ay inaayos nila makasama sina Kokoy at Elijah sa Japan.

 

 

Kwento pa ni Direk Jun, ipalalabas sa mga cinemas sa Japan ang Gameboys The Movie. Malakas daw ang clamor, ayon mismo sa co-producer nilang Japanese who really wanted to be a part of Gameboys when he heard about the movie.

 

 

***

 

 

MASAYA si Raikko Mateo nung malaman na siya ang napili ng Saranggola Media Productions para gumanap na batang Isko Moreno sa life story ng Mayor ng Maynila.

 

 

“Happy ako at excited din kasi alam ko na there is so much goodness about him na makaka-inspure sa maraming tao,” sabi ni Raikko.

 

 

“Challenging na malaman na ipo-portray ko ang buhay niya as a young boy, doon sa panahon na nasa struggle ang buhay nila. Nag-prepare ako for the role by feeling and understanding para maibigay ko ang tamang emotion kung paano si Sir Isko, bilang isang bata, ay hinarap ang kanilang condition at that time.”

 

 

“The biggest lesson I gained from doing Sir Isko is pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. Si Sir Isko, gusto niyang makatulong sa kanyang magulang. Gusto niyang kumita para sa kanyang pamilya. Kaya nagsumikap po siya.”

 

 

Ayon pa kay Raikko, dapat daw natin panoorin ang pelikula dahil maraming aral na matututuhan dito, lalo na at hindi madali ang buhay na pinagsimulan at pinagdaanan ni Isko

 

 

“He is living proof that dreams do come true if you work hard, pray and put love in everything that you do.”

 

 

Portraying the teen Isko is McCoy de Leon. Filling in the shoes of Domagoso as a politician is Xian Lim.

 

Ramon Christopher Gutierrez and Tina Paner play as the parents of Isko. Jestoni Alarcon essays Domagoso discoverer and manager, Wowie Roxas. Janno Gibbs stars as the star maker and the legend that was German Moreno. MJ Lastimosa appears as the wife of Isko.

 

 

Ipapalabas ang Yorme: The Story sa mga sinehan simula December 1.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso

    UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, […]

  • Abiso ni PDu30 na baka maulit ang lockdown dahil sa bagong COVID variant, hindi dapat pang ipagtaka -Malakanyang

    BAHAGI na ng estratehiya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng lockdown ngayong panahon ng pandemya.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may posibilidad na muli itong ipatupad sa layuning mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng sakit.   Aniya, hindi naman nahinto […]

  • Roque kokonsultahin si PDU30, pamilya ukol sa 2022 Senate bid

    SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kakausapin na muna niya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago magdesisyon kung maghahain o hindi ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-senador sa May 2022 elections.   “Magkakausap muna po kami ni Presidente and I continue to consult with my family members and my supporters as […]