• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mister itinumba ng riding-in-tandem sa harap ng kainuman

Dedo ang isang 45-anyos na mister matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsilo habang nakikipag-inuman ang biktima sa Caloocan city.

 

 

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Luisito Villarruz, driver ng Block 42 Lot 5 Palmera spring II,, Celerina St., Brgy. 173, Congress, ng lungsod.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:30 ng gabi, kainuman ng biktima ang saksing hindi nabanggit ang pangalan sa labas ng kanyang bahay sa Celerina St. nang dumating ang mga suspek na sakay ng isang kulay itim na Yamaha NMAX.

 

 

Bumaba ang back rider saka naglabas ng hindi mabatid na uri ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang humingi naman ng tulong ang saksi sa mga awtoridad.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Biyuda ni Kobe Bryant ‘wagi sa kaso vs LA police

    GINAWARAN  ang naiwang asawa o biyuda ni Kobe Bryant na si Vanessa Marie Bryant ng $16 million bilang bahagi ng $31 million na hatol ng husgado laban sa Los Angeles County at mga bumbero na  nagpakalat ng mga larawan sa yumaong NBA star at sa 13-years old nilang anak pati na din sa ibang  nasawi  […]

  • PREPARE FOR TAKEOFF WITH “TOP GUN: MAVERICK” CHARACTER POSTERS

    MEET the best of the best. Get to know the Top Gun: Maverick crew with the reveal of their individual character posters.       See them on the biggest screen possible on Wednesday, May 25 in theaters and IMAX across the Philippines.   [Watch the film’s new spot at https://youtu.be/N8stAcufxy8]   About Top Gun: Maverick   After more than thirty […]

  • LTFRB nakahanda sakaling matuloy ang tigil-pasada

    TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na sila ay nakahanda sa bantang tatlong araw na tigil-pasada ng ilang transport group kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ayon kay LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes, na magpapakalat sila ng mga sasakyan […]