Garapal na online sellers ng face mask, alcohol tutugisin ng DTI
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga garapal at hindi lehitimong online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi sertipikado ang mga online sellers.
Dagdag pa ni Lopez, posibleng peke ang kanilang mga tinda kaya wala din itong bisa o hindi epektibong panlaban sa COVID-19.
Kaugnay nito ay sinabi ni Lopez na nagsimula na rin silang magpunta sa mga warehouse ng mga manufacturers ng face mask at iba pang sanitary products para mag-inspeksyon.
Kapag naman napatunayan na sila ay nagtatago ng kanilang produkto lalo na ngayong nasa state of public health emergency ang bansa ay maaari silang mapanagot sa batas, babala pa ng Trade secretary.
Sinabi nito na hahabulin din aniya nila ang mga hoarders at profiteers.
Samantala, umaapela ang gobyerno sa publiko na wag mag-panic buying dahil hindi kasama sa gagawing paghihigpit na pumasok sa Metro Manila ang mga cargoes kaya tuloy-tuloy ang supply.
Ang panic buying aniya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ngayon ng artificial shortage.
Hindi rin uubra sa gobyerno ang kasabihang “The customer is always right.”
Sinabi ni Lopez na hindi aplikable sa ngayon na gamiting panangga ng mga consumer ang naturang kasabihan lalo na’t nag-isyu na sila ng direktiba sa mga supermarket na limitahan ang pagbili ng alcohol sa dalawang bote lamang.
Aniya, simple lang naman ang dapat gawin kung hindi susunod ang isang consumer sa paglilimita sa pagbebenta ng alcohol ay tawagin ang guwardiya at palabasin ng establisyemento ang pasaway na consumer na nakakadagdag lang sa mga dahilan para magkaruon ng artificial shortage.
Binigyang diin ng Kalihim na walang kakapusan ng alcohol at hindi mauubos ang alcohol sa Pilipinas. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mga unvaccinated na nagkakasakit, mas anti-life at anti-poor kaysa ‘no-vax-no-ride’- DOTr
PINALAGAN ng Department of Transportation (DOTr) ang turing ng ilang sektor na anti-poor at anti-life ang kautusan nito na “no vax- no ride” o pagbawalan ang mga unvaccinated individuals mula sa pagsakay sa public transportation sa National Capital Region (NCR) habang ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3. “Mas anti-poor at […]
-
4-day workweek, hirit ng NEDA
INIREKOMENDA ni National Economic and Development Authority (NEDA) at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang pagpapatupad ng pamahalaan ng four-day workweek upang makatipid ng enerhiya at mabawasan ang gastusin ng publiko, kasunod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo […]
-
First time niyang makatrabaho sa ‘Start-Up PH’: YASMIEN, inakalang seryosong tao si ALDEN kaya ‘di in-expect ang pagiging bubbly
KINUWENTO ni Zoren Legaspi na kakaiba ang naging bond ng buong cast and crew ng ‘Apoy Sa Langit’ sa kanilang direktor na si Laurice Guillen. Bihira raw kasi si Direk Laurice na mag-open up sa mga nakakatrabaho niya sa anumang proyekto, pero iba raw ang naramdaman nito sa cast and crew ng ‘Apoy […]