• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan

WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus.

 

 

Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot na plano na pagbubukas ng mga sinehan.

 

 

Ayon kay Gardo, pabor siyang buksan muli ang mga sinehan pero dapat may malinaw na guidelines na nakalatag at may health protocols na dapat sundin.

 

 

Hindi raw niya maintindihan kung seryoso ba talaga ang gobyerno sa pagharap sa Covid-19 problem dahil tila hindi naman malinaw ang plano nito how to address the problem properly.

 

 

Pati ang usapin tungkol sa paggamit ng vaccine at kung sino ang unang makakagamit nito ay hindi rin malinaw ang plano.

 

 

Mag-iisang taon na tayong pinahihirapan ng Covid-19 pero there seems to be no light at the end of the tunnel, kung pagbabasehan ang response ng gobyerno sa problema.

 

 

Kaya naman very timely ang pagpapalabas ng comedy film na Ayuda Babes under the direction of Joven Tan dahil maghahanap ka talaga ng pwedeng makaaliw sa iyo sa oras ng krisis.

 

 

Ang kuwento ng Ayuda Babes ay kung paano hinarap ng mga beki sa movie ang krisis na dulot ng Covid-19. Paano sila naka-cope sa hirap na idinulot nito sa kanilang mga buhay.

 

 

Itong Ayuda Babes ang unang movie na nag-shoot after the lifting the restrictions posed by Covid-19. Sabi ni Gardo, naging maayos naman ang shooting ng movie dahil sumunod ang cast at production team ni direk Joven sa safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno that time.

 

 

“Nung malaman nga ng ibang tao na nagso-shoot na kami, naisip nila na pwede naman pala gumawa ng pelikula o mag-taping ng teleserye basta sumunod ka lang sa mga patakaran na inilabas ng Inter-Agency Task Force,” sabi ni Gardo.

 

 

Tulad ng kanyang co-stars, ito raw ang pinakamalaking ayuda na kanyang natanggap sa panahon ng pandemya.

 

 

“Maraming tao ang walang trabaho tapos may isang producer na sumugal na gumawa ng pelikula sa panahon ng pandemya. I mean, ibang klase yung makapagbigay ka ng trabaho sa mga tao at the time na hindi mo tiyak how long will the pandemic last at kung ano ang magiging long-term effect nito sa mga tao,” pahayag pa ni Gardo.

 

 

“Happy vibes lang ang hatid ng Ayuda Babes. Pampasaya sa panahon na maraming tao ang malungkot at depressed dahil sa pandemya. I am sure mage-enjoy tayong lahat sa movie.”

 

 

***

 

 

MATAPOS ilunsad ang kanyang career bilang singer, acting naman ang sinubukan ni Christi Fider sa Ayuda Babes.

 

 

“Gusto ko talaga mag-artista kaya lang mas nauna dumating ang offer to record a song composed by direk Joven. Kaya naman laking tuwa ko when I was offered a role sa Ayuda Babes,” wika ni Christi.

 

 

Super enjoy naman si Christi sa shoot dahil masaya kasama ang kanyang mga co-stars na panay mahuhusay in their respective roles.

 

 

“Masarap din katrabaho si Direk Joven kasi very cool lang siya sa set. Chill lang kami sa shoot,” sabi pa ng dalaga.

 

 

Actually, mas feel daw ni Christi ang acting over singing kaya if ever daw may bagong movie offer na dumating ay tatanggapin niya ito basta maganda ang script at bagay sa kanya ang role. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Construction worker timbog sa P.2M shabu sa Valenzuela

    KULONG ang 50-anyos na construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halalaga ng hinihinalang shabu makaraang matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek na […]

  • Badyet sa bubble inaaral – Marcial

    PAG-UUKULAN nang malaking halaga ang ligtas na kukuning bubble venue ng Philippine Basketball Association (PBA) kapag muling binuksan ang 45th Philippine Cup 2020 sa papasok na buwan.   May limang hotel ang kinukunsiderang bubble ng propesyonal na liga ang nagbigay ng presentasyon kay Commissioner ilfrido ‘Willie’ Marcial.   “Iko-consider namin lahat ng proposals, then saka kami gagawa […]

  • PBBM, pinangunahan ang kampanya kontra online sex-abuse, exploitation; lumikha ng tanggapan para sa Child Protection

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang kampanya laban sa lumalaganap na Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).   Binigyang diin ng Chief Executive ang epekto sa ‘puso at pundasyon’ ng bawat komunidad sa Pilipinas.   Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na **Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang OSAEC Ngayon Summit […]